"Gab, Hintay!!" Naglalakad na kasi si Gab para puntahan si Sanya sa room nito.
"Oh Ruru. Bakit?"
"Wala lang. Gusto ko lang sumabay sayo. Parang di ka naman nasanay sakin eh palagi naman tayong magkasabay"
"Eh diba cleaners ka ngayon?" Tanong niya pero Nginitian lang siya ni Ruru. "Wag mong sabihing tumakas ka na naman?"
"Ah eh ngayon lang naman uli eh hehe" sabay kamot nito sa ulo
"Hay nako Ruru Ezekiel Madrid. Kahit kailan ka talaga. Buti nalang mabait yung leader niyo at di ka nya sinusumbong"
"Alam mo namang patay na patay sa akin yun eh. Sa gwapo ko ba namang ito diba?" Tinignan lang siya ng masama ni Gabbi
"Oh bat ganyan ka makatingin? Nagagwapuhan ka rin sa akin noh" pangaasar nito habang hinahawi hawi ang buhok
"Tsk. Ang hangin mo Ezekiel. Dyan ka na nga" naglakad ng mabilis si Gab
"Uy Gab. Ito naman di mabiro eh. Tsaka fyi nagayos naman ako ng upuan kahit onti noh" habol nito
"Kahit onti? Sus sabihin mo di ka talaga naglinis. Buti pa yung pinsan mo naglilinis dun."
"Si Joaquin? Naglilinis? Tsk. Mas nauna nga siyang umalis kesa sa akin eh. Sabay dapat kami umuwi eh, kaya lang iniwan ako nung bugok na yun"
"Tsk. Magpinsan nga kayo no. Teka san daw ba siya pumunta?"
"Eh yun ang di ko alam. Tara na bilisan na natin baka naghihintay na yung kapatid mo dun"
--------
Pumunta na sila sa room nila Sanya at sakto naman na uwian na nila."Sanya!! Tara na. Uwi na tayo." Tawag ni Gab sa kapatid. Nagayos naman agad si Sanya at pumunta sa Ate niya.
"Hi Gab" sabay beso nito "Hi Ru!" Sabay apir naman nito dito "Teka bakit magkasama na naman kayo? Kayo ah, I feel something sweety" at tawa nito.
"Shh Sanya!! Tumigil ka nga kung ano ano yang pinagiiisip mo eh"
"Oo nga tsaka sinamahan ko lang tong ate mo. Nakakaawa eh, magisa lang naglalakad" pangaasar nito
"Wow naman Ezekiel!!! Baka ikaw yun."
"Omygosh ang daming langgam." Sanya Sabay tapak tapak "Tama na nga yan. Kinakati na ako sa kagat ng mga langgam eh"
"Hay baliw ka talaga Sanya Jade"
"Mana siya sayo" bulong ni Ruru
"May sinasabi ka ba?"
"Wala. Wala. Wala kaya akong sinasabi diba Sanya?"
"Alam niyo ang sweet niyo na masyado. Naiingit na ako kaya tara na. Gab tawagan mo na si Manong driver."
"I already did. Siguro nandun na yun at hinihintay na tayo. Lets go na nga."
"Hatid ko na kayo"
Habang naglalakad sila napansin ni Ruru na parang may nagmamasid sa kanila. Tumingin siya sa Likod at nakita ang pinsan niyang nagtatago sa may poste. Kahit marami pang estudyantr Alam niyang pinsan niya yun dahil nakita nito ang relo na suot ni Joaquin. Napangisi na lang siya sa nakita.
---------
"Ah Ru. Salamat sa paghatid ah. Sige na umuwi ka na rin."
"Wala yun. Sige. Ingat. Manong Driver ingat sa pagdrive ah."
"Yes Boss. Wag kang mag alala magiingat ako sa pagdrive para sa prinsesa mo"
"Hala siya Manong. Sige na nga uwi na rin po ako. Bye Gab. Bye Sanya"
"Byebye" paalam ng magkapatid.
---------
Nang makaalis na ang magkapatid. Naalala ni Ruru ang pinsan nito, alam niyang malapit lang ito sa kanya.
"Joaquin!!! Alam kong nandito ka lang. Lumabas ka na dyan sa pinagtataguan mo. Kung hindi ka lumabas sasabihin ko kay Sanya na may gusto ka sa kanya!" Sigaw nito. Bigla namang sumulpot si Joaquin
"Uy Bro. Nandito na ako. Wag mong sabihin sa kanya oh. Nakikiusap ako sayo" Di inaasahan ni Ruru ang sagot ng pinsan
"So may gusto ka nga kay Sanya?"
"Ha? Hindi noh. Wala! Wala akong gusto sa kanya!!" Joaquin said habang umiiiling iling at di mapakali
"Hahaha Bro!! Easy ka lang. Bat parang tense na tense ka"
"Ha? Ah eh hindi kaya. Hindi!"
"Hahahha okay bro. Chill lang. Wag kang mag alala di ko naman sasabihin kay Sanya eh" he winked at Joaquin na naging dahilan para lalong kabahan ang pinsan.
"Huy bro. Wala akong gusto sa kanya. Ano ba!!"
"Hahahahhaha okay okay. Pero bat ka sumusunod sa amin kanina?"
"Ah eh. Sinusundan kita eh para... para ano... para sabay tayong umuwi" nauutal nitong sabi
"Eh bakit umalis ka agad, cleaners tayo eh."
"Ah eh.. nakalimutan ko eh... tsaka... tsaka di kasi kita nakita... yes yun nga... di kita nakita kaya tinignan kita sa labas.."
"Yun nga lang ba? O may pinuntahan ka talaga?" Pang aasar nito
"Bro naman!! Di ko siya gusto noh."
"Oh bakit? May sinabi ba akong gusto mo siya? Tsaka wala din naman akong binanggit na pangalan ah."
"Bro naman eh!! Tara na nga umuwi na tayo." Pag iwas nito. Natatawa nalang si Ruru sa inasta ng pinsan. Kahit di sabihin nito, alam niyang may gusto si Joaquin kay Sanya.
"Hahaha galing mo umiwas ah. Tara na nga"
"Hay salamat"
"Btw bro, your secret is safe" pahabol nito sabay tinap sa balikat si Joaquin at tumakbo.
"Huy bro!! Di ko nga siya gusto!! Ang kulit naman!!" Pasigaw nitong sabi at tumakbo narin para habulin si Ruru.
--------
Hello guys!! So, how's the chapter? Okay lang ba? Hahaha btw yung Joaquin dito sa story gawa gawa ko lang. Mag isip nalang kayo ng tao na pwedeng gumanap dyan. Choice nyo nalang hahaha. Imagine nyo nalang na si yung gusto niyo si Joaquin.
Salamat sa mga nagbabasa. Dont forget to Vote and Comment.
-Francine2002_-
BINABASA MO ANG
Tears of Love
FanfictionAnong mangyayari kung ang masaya at mayamang pamilya ay magkakaroon ng isang napakalaking pagsubok na sumubok sa kanilang katatagan. This story is about a Famous Salazar Family who can withstand with all the problems in life. Will their money and fa...