TOL 18

1K 58 0
                                    

GABBI'S POV

Nakatulog na uli si Sanya at heto kami ngayon hinihintay sila Mommy. Pero habang wala pa sila, may aalamin muna ako sa magpinsan na to. Alam kong may tinatago sila eh, tas tong si Joaquin nakatitig kay Sanya. Hmmm!!

"Ehem!!" Pambasag ko sa katahimikan. Tumingin naman agad sila sakin. "Kayong dalawa, may tinatago ba kayo sakin?"

"Ha?"

"Tsk. Naku!!!! Hoy Joaquin!! Umamin ka nga. May gusto ka ba dito sa kapatid ko?"

"Ha? Ah wala noh. Pano mo naman nasabi yan! Wala.. wala.."

Napansin ko namang natawa ng slight si Ruru.

"Yung totoo Joaquin?"

"Wala nga Gab!! Promise" sabag promise sign naman nito.

"Buti naman kung ganon.. alam mo kasi bata pa yang si Sanya. Kaya kung may manliligaw man siya, dadaan muna sila sa amin nila ate at nila mommy and dad. She's so fragile. Ruru knows that. Right Ru? Kaya kung may nagkakagusto man sa kanya, susuriin namin mabuti kasi ayaw namin siya masaktan. At kung may mananakit man sa kanya, malalagot yun sa amin nila ate Glai at Ate Ky." Pagpaparinig ko sa kanya. I know na kahit di niya sabihin, alam kong may gusto siya sa kapatid ko. Sa mga tingin palang niya halata na eh. Kaya sinabi ko agad yang mga yan para alam niya na kung saan siya lulugar.

Hindi naman sa ayaw ko si Joaquin para kay Sanya. Di pa kasi ganun kabuo yung tiwala ko sa Kanya dahil lately lang namin siya nakakabonding kaya dapat suriin ko muna.

"Ah oo Gab.. Promise wala akong gusto sa kapatid mo." Sabi niya na parang umiiwas ng tingin. Si Ruru, ayun natatawa nalang.

Bigla ko namang narinig yung boses nila Mom.

"Baby Gab!!" Mom hugged me. "How's your sister?" She then come to Sanya to check.

"She's okay na po Mom. Rest lang daw po kailangan niya."


"Good Morning po Tita, Good Morning po Tito." Bati ni Ruru kila Mom and Dad.

"Good Morning po." Bati naman ni Joaquin. Well, di pa kasi siya kilala nila Mommy, si Ruru nakapunta naman na sa bahay how many times.

"Good morning too mga iho."

"Ah Dad, Mom. Siya po si Joaquin, cousin ni Ruru"

"Oh Transferee?"

"No Dad. Dati na rin pong nagaaral yan dito pero lately lang kasi namin siya nakakasama."

"Oh I see. But What Happened ba kay Sanya? Pinapapunta kami ngayon dun sa Guidance Office eh. Napaaway ba yang kapatid mo?"


"Ahh... Later ko nalang po ieexplain sa inyo ni Mommy."


"Baby Gab... stay here muna ah.. kakausapin lang namin yung dun sa Guidance.."


"Sasamahan nalang po muna namin siya Tita."



"Thank you iho.. Sige pala... Wait niyo kami ah"



"Yes Mom.. love you"


"Love you too baby"

Pumunta na sila Mommy sa Guidance at parang alam ko na kung anong mangyayari. I know na may Warning 1 na yung Thea na yun dahil sa ginawa niya sa kapatid ko. Now I know kaya laging nagpapahatid to sa room niya. Hayss Sanya...

---------------

"Gabbi.. my baby.. Uwi na kami ah. Wag mangaaway ok? I know alam mo na yung nangyari but pls.. wag gagawa ng kahit na anong gulo, is that clear?"

"Yes Mom"

"Mga iho, mauuna na kami. Salamat sa pagsama kay Gab at pagbabantay narin."


"Wala po yun. Ingat po kayo"


"Gab... Pls dont tell Ate Glai or Ate Ky kung anong nangyari ha? I dont want them to worry about me. Promise me?? Okay?" Sanya pleaded


"Ok.. If thats what you want. Wag makulit, magpahinga ka sa bahay dapat pag uwi ko nagpapahinga ka!" I kissed her forehead.. Kahit lagi kaming nagbabangayan, mahal na mahal ko tong kapatid ko.

"Bye Mom, Bye Dad.. Ingat po. I love you!"


"Love you too baby. Go back to your classroom na. Napagpaalam ko naman na kayo sa first teacher niyo kaya I know maiintindihan niya. Sige na bye na." Mommy said at binigyan niya ako ng matamis na yakap at kiss. Syempre si Dad din.

"Bye Mom, Bye Dad. Bye Sanya"


"Bye po Tito, Tita! Pagaling ka Sanya ah" The two boys said.

------------

UWIAN TIME

"Gab!! Pwede kami pumunta sa bahay niyo? Kakamustahin lang namin si Sanya."

"Sure kayo?"

"Yep.. nagpaalam naman na kami ni Joaquin kila Mom at Tita eh."

"Sige pala. Tara na..."

Habang naglalakad kami papunta sa Parking lot, Nakita ko ang  pagmumukha ng malditang nang away sa kapatid ko.. Nag wawalis siya ngayon kasama yung dalawa pa. Baka ito na yung parusa nila sa ginawa nila pero dapat mas malala pa dun eh. Bad na kung bad, wala akong pakeelam.

Nilapitan ko siya dahil hindi ako nakapagpigil. Pinigilan pa ako nila Ruru nung una pero sabi ko na hindi ako gagawa ng gulo. Kakausapin ko lang tong bruhang to.

"Excuse me!! You're Thea? Right?"

"Yes ako nga.. Bakit? Aawayin mo rin ba ako tulad ng ginawa ng kapatid mo?"



"Tsk. Kapal din naman ng mukha mo noh. Ikaw yung nanakit sa kanya tas ngayon sasabihin mong inaway ka niya."



"Eh bakit? Totoo naman eh, siya yung nauna, gumanti lang ako."

Hay Sarap sabunutan ng babaeng to!!! Kung di lang ako nangako kila Mommy na di ako gagawa ng gulo, baka nasabunutan ko na to with matching sampal pa!

"Excuse me!! Kilala ko yung kapatid ko at hindi siya yung tipo ng tao na marunong mag umpisa ng gulo. Ni mang away nga, hindi niya magawa eh. Alam mo ikaw, kung wala kang magawa sa buhay mo, awayin mo nalang sarili mo hindi yung nangdadamay ka pa ng iba! Sa susunod na saktan mo pa yung kapatid ko, di lang yan aabutin mo. Magpasalamat ka nga at ganyan lang yung parusa mo eh, dapat mas matindi pa diyan pero okay narin yan. Bagay naman sayo eh!"



"How dare you!!!" Galit na sabi niya. Hinagis niya rin yung walis na hawak niya

"Gab, tama na yan! Tara na!" Pagpipigil sa akin ni Ruru


"Oh bakit? Aawayin mo rin ba ako? Baka gusto mong madagdagan yang parusa mo. Tsk, sige na tuloy mo na yang pagwawalis mo. Bagay kaya sayo hahaha, Bye!!" After I said that, lumakad na agad ako ng mabilis, sinundan naman agad ako nila Ruru.

"Huy Gab! Wait!!"


"Hay!!!! Nakakainis yung bruhang yun!! Sarap sabunutan!"


"Chill lang Gab.. Remember yung sabi ng Mommy mo? Wag gagawa ng gulo."



"Yeah I know.. Sorry."


"Tara na pala. Wag ng mainit yung ulo."



"Pero Gab!! Tapang mo kanina ah! Di ko inakala yun hahaha"

Hay naku tong si Joaquin!! Akala ko seryoso lagi to, marunong din pala to tumawa. Well, tama naman siya eh. Ang tapang ko kanina, akalain mo yun, nasabi lahat ng yun.







••••••••••••••

Chap 18 Done!!

Maguupdate nalang uli ako ASAP. Gagawin ko muna yung chap 20 para dalawa agad mai UD ko 😂😂


-Francine2002_-

Tears of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon