TOL 21

1K 50 2
                                    

GLAIZA'S POV

"Ano ba naman yan Rhi!!! Bat di mo naman sinabi na sila pala yung ikikita mo!" Inis na sabi ko sa kanya. Nandito na kami ngayon sa condo niya. Well, di ko pa nga pala nasasabi. Her parents owned a condominium and dito narin ako tumutuloy after ko sa work. Nakikiroom lang ako kay Rhian. 😂

"Eh sorry naman. Hindi ko naman kasi alam na siya pala yung sinasabi mong mayabang na lalaking nakabungguan mo ng dalawang beses eh. Tsaka Glai naman. Mabait naman yung tao ah."

"Mabait!!?? San banda? Bait baitan pwede pa pero mabait? Tsk Never Rhi."

"Ang hard mo masyado kay Ken ah. Gwapo naman siya eh. Tsaka yung pinsan niya."

"Yung pinsan niya, ok pa. Mabait si Marx hindi katulad niya. Tsaka pano mo ba nakilala yung halimaw na yun?"

"Maka Halimaw ka naman!! Hindi naman siya ganun no."

"Oh edi hindi na. Pero ano nga!! Pano mo nga siya nakilala!"

"Eh kasi ganito yun!"

****flashback****

@Bar

"Uhm Hi miss!.."

"Uhm hello."

"Would you mind if I'll join you."

"Ok. Sure."

"Uhm. Btw, Im Ken.." then inabot niya yung kamay niya para makapagshakes hands

"Rhian.."

"What a beautiful name.. Bagay na bagay sayo."

"Thanks" I gave her a smile

"Nga pala, bakit mag isa ka lang? Di bagay sayo ang mag isa"

"Ah wala. May hinihintay lang ako pero mukhang di naman na sya dadating eh."

"Oh sorry.. dont worry nandito naman ako para samahan ka eh."

Rhian looked at him.. medyo lasing na siya. Wala si Glai nung mga panahong yan kasi umuwi ito sa mansion nila (mansion talaga!!)

"Thank you... buti pa ikaw."

"Uhm Rhian? Can I get your number? Dont worry di ako masamang tao.."

"Sure babe.. here oh" then Rhi gave her phone. Buti nalang at di masamang tao tong si Ken.

****end of flashback****

"WHAT!! Rhian naman!! Bat di mo sinabi agad sa akin na hindi pala nakipagkita si David sayo!! Akala ko ba matino yung lalaking yun ha? Kaya nga kita di sinama umuwi sa amin eh kasi akala ko naman sasaya ka."

"Sorry G. Pero ok lang naman kasi may new man naman akong nameet eh. Tsaka mas gwapo pa."

"Hay nako naman!!! Buti nalang pala at may tinatago pang bait yung Ken na yun at wala siyang ginawang masama sayo"

"Sabi ko naman kasi sayo Glai eh. Mabait si Ken."

"Eh basta!! Buti nalang at walang nangyaring masama sayo. Next time naman Rhi sabihin mo agad sakin yung mga ganoong pangyayari."

"Eh alam ko naman na magiging ganyan reaksyon mo eh kaya di ko agad sinabi sayo. Sorry na."

"Hays!! Buti nalang at mahal kita eh. Pero promise mo sa akin ah. Next time na mangyari uli yung ganyan, sabihin mo agad sa akin. Alam mo namang kapatid na yung turing ko sayo eh"

"Aww.. natats naman ako dun.. pero promise Glai. Pag nangyari uli yung ganon, di ko parin sasabihin sayo" sabay tawa naman ni Rhian.

Tinignan ko lang siya ng masama. Kasi naman seryoso na ako tapos bigla siya babanat ng ganun. Kahit kailan talaga di to makausap ng maayos eh.

"Alam mo ikaw!! Nakakainis ka!! Bahala ka nga dyan" after I said that, kumuha na agad ako ng clothes pang tulog at pumunta na sa banyo.

"Huy Glai. Ito naman oh di mabiro."

"Tsk"

"Uy Glai. Sorry na. Oo na nga sige na sasabihin ko agad sayo." Sabi niya habang kinakatok yung pinto ng banyo

"Shut up Rhian Denise!! Ang ingay mo gabi na. Patapusin mo muna ako dito tsaka tayo mag usap uli."

"Ok.. Will wait you here sa tapat ng banyo.."

"Tsk. Bahala ka! Tatagalan ko dito"

"Glai naman!! Bilisan mo!!"

"A-Y-A-W"

"Bahala ka.. basta dito lang ako. Alam ko namang di mo ko matitiis eh."

**after how many minutes...**

"Huy Glai!! Bawal matulog dyan! Tulog ka na ata eh" Rhi said habang kinakatok na naman ang pinto ng banyo

"Im not sleeping.... hinihintay lang kitang lumayas sa harap ng banyo.."

"Pag umalis ba ako, lalabas ka na?"

"Hmm... Depende kung gusto ko"

"Ehhh Glai naman eh!! Lumabas ka na dyan!! Magpapalit din kaya ako!"

"Pano kung ayoko?"

"Aba! Ako ba tinatakot mo? Hoy Galura baka nakakalimutan mong nasa condo kita.."

Binuksan ko naman agad yung pinto ng banyo at sakto nakasandal doon si Rhian kaya nahulog siya. Oh hahaha sorry my dear

"Omagash! Sorry Rhirhi!!" I immediately grab her arms para makatayo siya.

"Sorry.. sabi ko naman kasi sayo umalis ka dyan sa pinto eh.."

"Wala ka namang sinabing bubuksan mo na pala yung pinto. Di mo naman kasi ako inorient eh." Sabi niya habang hinihimas yung pwetan niya.

Buti nalang at medyo naalalayan ko yung ulo niya kundi mauuntog to.

"Sabi mo lumabas na ako diba? Sinunod lang naman kita eh." Sabi ko habang natatawa. Paano ba naman kasi nakakatawa yung itsura niya.

"Bat tumatawa ka? May nakakatawa ba!?"

"Ah wala.. wala naman. Sige na magpalit ka na ng damit.." sabi ko sabay tulak sa kanya para misara yung pinto.

"Hoy Galura!! Pano ako magpapalit eh wala pa nga akong pampalit ng damit. Ikuha mo ako."

"Aba makautos ka ah!!"

"Bakit? May kasalanan ka kaya. Sige na bilis!"

Kumuha naman agad ako ng damit for her..

"Oh Rhi!! Ito na yung damit mo!"

Binuksan naman niya na yung pinto.

"Thank you.." sabay kuha at sabay kindat sa akin. Tsk, may pagkabaliw talaga yung babaeng yun eh.

"Tsk. Maligo ka na rin kaya! Ang baho mo na eh. Ayokong may katabi akong mabaho!!"

"Gustong gusto mo nga yung amoy ko eh." Pabiro niyang sabi

"Eww... Kadiri ka Rhian Denise!! Maligo ka na nga."

I heard her na tumatawa nalang. Ok, I quit!! Pang asar talaga tong kaibigan ko.








••••••••••••••••

Here is it!! Rastro Fans!!

Medyo nagloloko yung phone ko kaya publish-unpublish yung nagaganap dito 😂 dunno why!!!

-Francine2002_-

Tears of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon