Chapter 5: His Glasses

154 8 0
                                        

Chapter 5: His Glasses 

[Eyya's POV]

Ang weird ng araw na to. Pansin ko kasi na tahimik lang si Megan dun sa upuan nya. Usually kasi pagkakita nyan samin eh lumalapit na agad yan tapos makikipagdaldalan na. Kaya nagtaka ako nung di sya lumapit samin, nagnod lang sya nung nakita nya kami kanina. Hindi ko naman sya mapuntahan kasi nagstart ng magdiscuss yung teacher namin. Terror pa naman to kaya ayokong mapagalitan. Hihintayin ko na lang siguro na magrecess para makausap ko si Megs. (see picture of Eyya at the side)

After how many years ng paghihintay sa recess, nagring na rin yung bell! Grabe sobrang boring talaga ng teacher na yun! Dapak.

Lumingon ako sa paligid para hanapin si Megan pero wala na sya dun sa upuan nya. Anak ng tokwa naman oh! Ang bilis naman maglakad nun?

Hinintay ko pa naman na magtime tapos malalaman ko lang na wala na pala yung taong hinihintay ko. Asan naman ang hustisya dun? T__T

Di bale, siguro nasa canteen lang yun. Makapunta na nga lang dun. Niyaya ko si Cally at Summer na sumama sakin.

"Uy asan si Megs?" tanong sakin si Cally

"Ewan ko nga eh. Bigla na lang nawala na parang bula. Siguro nauna na sa canteen, baka gutom na yun. Tara na dun!" Hila-hila ko yung kamay nilang dalawa para mapabilis yung paglalakad namin. Itong mga to, ang babagal maglakad, ano to alay lakad?! Pssh.

Pagkadating namin sa canteen, nilibot ko agad yung tingin ko sa paligid pero still no sign of Megan. Pumunta na sila dun sa table na sila lang ang gumagamit. I'm starting to get worried, di naman kasi gawain ni Megan na basta na lang kaming iwan. Kami lagi ang kasama nya na kumain.

Asan na kaya yun?

***********

Nung narinig ni Megan na nagbell na, tumayo sya agad pero may napansin sya sa baba ng upuan nya. Yumuko sya ng konti at pinulot yung nakita nya. Salamin ni Julian. Oo nga pala, nahulog to kanina pero di ko naman nakita na dito mismo tumalsik yung eyeglasses nya. Tinignan nya yung salamin at nakita nyana nabali yung frame kaya hindi na pantay. Patay ako! Baka kasi isisi na naman nya sakin to! Pero ako naman talaga may kasalanan. Hihi ^_^v

Tinago ko yung salamin sa bag ko at nagdecide na bumili na lang ng bago. I know naman kasi na magagalit sya sakin pag binalik ko na ganito yung itsura. I decided to go to the nearest mall here in our school. Lumabas nako ng room namin at dumeretso sa gate, nagsinungaling ako dun sa guard sabi ko masakit yung tyan ko kaya uuwi muna ako. Ayaw akong payagan nung una pero nagpumilit talaga ako na makalabas kaya wala ng nagawa si Manong Guard kundi palabasin ako.

Nag-abang na lang ako ng taxi kasi di na ko nagpasundo sa driver namin, baka matagalan pa ako eh. Nung may nakita akong taxi, pinara ko na agad tapos sinabi dun sa driver na dalhin ako sa pinakamalapit na mall.

After  10minutes nakarating na rin ako. Nagbayad na ako at bumaba. Pagpasok ko sa loob hinanap ko agad yung directories para malaman ko kung saan na floor merong optical shop.

Ayun nasa 3rd floor pala! Dali dali akong pumunta sa escalator, 30minutes lang ang break namin kaya I still have more than 15minutes to buy a new glasses. Buti at nahanap ko agad yung store, pumasok na ako agad at nagtanong sa saleslady.

"Miss, do you have the same eyeglasses like this one?" Inabot ko dun sa babae yung glasses para makita nya.

"Teka lang po Maam, titignan ko lang po saglit."     

"Ok, just make it fast. I'm in a hurry."

"Sige po Maam."

Tumalikod na sakin yung babae. Ako naman nag-iikot dun sa loob at tumingin tingin ng mga contact lenses habang hinihintay na bumalik yung saleslady. Maya-maya bumalik na rin sya agad at dala yung bagong eyeglasses. Parehong pareho dun sa glasses ni Julian. Hay thank God may katulad ito.

Love Bet (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon