Chapter 9: First Step

152 5 0
                                    

Chapter 9: First Step

Kinabukasan, maaga akong gumising. Kailangan ko kasing maisagawa yung Step 1: Operation 'Why can't we be friends?'. Maagang pumapasok si Julian kaya kailangan ko ding pumasok ng maaga. Nagmadali na akong maligo at mag-ayos para maabutan ko si Julian na dumadaan sa hallway. May plano na kasi akong naisip. 

Pagkadating ko sa school, pumunta na ako sa hallway papuntang classroom namin. Nagtago muna ako sa CR malapit dun para hindi ako kaagad makita ni Julian. Lalabas lang ako pag nakita ko na syang naglalakad papuntang room namin. 

10 minutes akong andun nung makita ko na syang paparating. Chineck ko muna yung sarili ko sa salamin bago ako lumabas. Naglakad na ako papunta sa room namin, nasa likuran lang ako ni Julian. Dapat nasa harapan nya ako kaya binilisan kong maglakad. Nung nasa harapan na nya ako, saka ko gagawin yung plano ko. Magpapanggap akong natapilok, tapos kunwari matutumba ako sakanya. 

Lumingon muna ako sa likod ko para makasiguro na malapit lang sya sakin. Nung makita ko na magkalapit lang kami, ginawa ko na yung plano ko. Natapilok ako tapos nung matutumba na ako, sumigaw ako kaya naman nakita kong lumapit sya sa akin at agad nya akong sinalo. Naramdaman ko na lang yung braso nya na nakapaikot sa baywang ko para hindi ako tuluyang matumba sa sahig. Napatingin naman ako sa mukha nya. Salubong yung kilay na nakatingin sya sa akin.

"Err t-thanks." Yan lang nasabi ko kasi nasa baywang ko pa rin yung braso nya. Ang awkward ng pakiramdam ko. 

"Next time, you should not wear high-heeled shoes para hindi ka natatapilok." Pagkatapos binitawan na rin nya yung pagkakahawak sa baywang ko. Naglakad na ulit sya papunta sa room namin. 

Binilisan ko naman maglakad para maabutan sya. Nung magkatapat na kami, kinausap ko sya.

"Ahm Julian, thanks talaga. Ililibre kita mamayang recess para naman makabawi ako sa pag-save mo sa akin ng dalawang beses." Lumingon lang sya sa akin pero hindi nagsalita.

Bingi ba to? Hindi man lang sagutin yung sinabi ko. =__=

"Uy Julian sabi ko ililibre kita mamayang recess. Ok lang ba?" 

"No need, may pera ako pambili ng sarili kong pagkain." Nakasmirk na sabi nya.

"But I insist! Pumayag ka na." Hinintay ko yung isasagot nya. 

"Gusto mo talagang makabawi sa akin?" Seryosong sagot nya habang nakatingin sa akin. Medyo nailang naman ako kaya yumuko ako.

"Y-yes. Of course." 

"Sigurado ka?" Seryoso pa rin yung tingin nya sa akin kaya kinabahan na ako. Ano kayang gusto nyang ipagawa sa akin?

Love Bet (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon