Chapter 17: The Masquerade Party
Ilang araw na din ang nakakalipas pagkatapos ng 'Kissing Scene' sa canteen. July 03 na ngayon and tonight na yung debut ni Cally. Eighteen treasure nya ako.
Saturday ngayon kaya naman walang pasok. Maghapon lang akong nasa house namin. Sila Eyya at Summer, 'busy' daw. Ewan ko ba sa mga yun. 4pm pa lang naman, 7 pa yung party. Pero nagshower na ako kasi dadating na mamaya yung make-up artist ko.
Sino kaya escort ni Cally? Baka si Chance? Malamang sya nga. Bestfriends sila right? Ah ewan, makikita ko din naman later. Hinintay ko na lang na dumating yung make-up artist.
Nag-open na lang muna ako ng account ko sa FB at Twitter. Walang magawa eh. Nagbrowse browse lang ako tapos biglang may nag-friend request sa akin.
Tinignan ko naman kung sino.
*click*
Ah si Julian lang pala--- WHAT?!
Chineck ko naman ulit, baka kasi namamalikmata lang ako eh. Pero Julian Tanzer talaga yung name. In-accept ko naman. Hmm, matignan nga ang profile nya.
*browse browse*
Ok, I'm bored. His profile is simply boring. No interesting status or whatever. Puro games lang ang nasa wall nya. Tss
Nagtweet na lang ako.
Megan Reika: Life is boring. >:(
Oo nga pala, second name ko yung Reika. Weird, ayt? Yeah, I know. Si Daddy kasi may business partner dati na Japanese. Kaya ayun, nacute-an sya sa mga names ng mga anak ni Tito Hiro Yakanura at binigyan din ako ng japanese name. Yung meaning ng Reika is lovely flower. ^___^
Pero wala namang tumatawag sa akin sa second name ko. They usually call me Megan or Megs. And mas prefer ko yung Megan, coz it's a HOT NAME, don't you think? :)
May narinig naman ako na kumatok sa pinto ng room ko. May ginagawa pa ako kaya sumigaw na lang ako.
"Come in!" Nakita ko naman na pumasok si Yaya Marie.
"Anak, andyan na yung mag-aayos sayo."
"Send him in Yaya."
"Sige anak."
Lumabas na sya. In-off ko naman na yung PC ko at pumunta ako sa CR ng kwarto ko. Naghilamos lang ako at lumabas na rin. Nandun na pala si Toffie, my make-up artist. He's gay but I must admit that he's quite good.
"Wow, last time I saw you, you were like a supermodel but now, you look like The Greek Goddess of Beauty." Nakasmile na sabi nya sa akin. Nginitian ko din sya.
"Why, thank you. You look good too." Sabi ko din sa kanya.
"Haha thanks! Shall we start now?" Tanong nya sa akin. I nodded.
Umupo na ako sa dresser ko, at nagsimula na nga syang ayusan ako. Inuna nyang ayusin yung buhok ko. Nakatingin lang ako sa salamin while he curled the tip of my hair.
After he's done with my hair, he then start putting some make-up on my gorgeous face. Nakapikit lang ako habang inaayusan nya ako.
Halos 1 hour and thirty minutes bago kami natapos. Humarap na ako sa salamin and I was so pleased. No wonder Toffie was the head make-up artist of the showbiz personalities.
"Grabe ang ganda mo Miss Megan!"
"Thanks to you."
"You're welcome Miss Todd. O sige, una na ako ha? May photoshoot pa akong pupuntahan. Enjoy!" Lumabas na nga sya ng room ko.
BINABASA MO ANG
Love Bet (ON-GOING)
Teen FictionBeautiful, Rich and Famous- that's Megan. She lives in a world where everyone bowed upon her. But one day, her naughty friends made a bet wih her, and the bet is to make Julian, a geek student in their school fall inlove with her. Being a stubborn g...