Chapter 12: At the Mall

108 6 0
                                    

 Chapter 12: At the Mall

Andito na ako sa meeting place namin nila Eyya. Maaga ako ng 10 minutes sa usapan kaya naman naghintay lang ako. Naghintay lang ako sa kanila hanggang sa 10 seconds before sa usapan binilangan ko na sila. Pinaka-ayoko pa naman sa lahat yung pinaghihintay ako.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

*ting*

Sabay angat ng tingin ko, at ayun nakita ko na silang papasok dito sa coffee shop. Buti naman di sila late.

Lumapit na silang tatlo sa akin. Agad nagsalita si Eyya.

"Sis sorry for being late! Traffic kasi eh." 

"Huh? You're just right on time." Sakto naman na 1pm silang dumating di ba? 

"What? It's already 1:20." Nagtataka na sabi nya. Tinignan ko naman yung wrist watch ko. Sakto naman na 1 pm eh.

"Eyya? Are you ok? Nakalimutan mo na bang magbasa ng oras? Ayan oh, 1:03 pa lang." Pinakita ko yung wrist watch ko. Tinignan naman nya.

"Sis late yang watch mo ng 20 minutes." Natatawa na sabi nya. -__-

"Oo nga Megan, 1:25 na sa akin oh." singit naman ni Summer. 

Ano yun? Halos 30 minutes pala akong naghihintay sa kanila? Asar lang ah. Nakakainis!

"Urgh! Nakakainis kayo! Umupo na nga kayo. I already ordered for us." Naiinis na sabi ko sa kanila.

"Wow libre mo?" Kuminang kinang pa yung mata ni Summer. Tss. Mukhang libre talaga to!

"Ay hindi te. Inutang ko yan. Utang lang." Pambabara ko sa kanya. Di ba obvious?

"Hahaha! Kdot." Umupo na nga sya. 

Sinabi ko naman na yung agenda para sa 'pagtitipon' namin ngayong hapon.

"Ok girls, as you all know, nakaaway ko na naman si Cassie the Slut. Unfortunately, sa pool area kami nag-away. And you know guys that I don't have the talent in swimming so ayun nalaglag kami sa pool and she grab the opportunity to hurt me. Hindi na ako nakalaban kasi nakakapit lang ako sa kanya. Pero buti na lang dumating si Julian kung hindi baka makita nyo na lang yung gorgeous body ko na lumulutang lutang dun sa pool." Pagtatapos ko. Then I heard them all gasped.

"Wow! Knight in kinakalawang na armor mo pala si Mr. Nerdy eh! Congrats te!" Pang-aasar sa akin ni Summer. Sarap talaga sapakin ng taong to. Nahawa sa ex nyang walang sense of humor.

"Shut up Summer or I'm gonna break your neck." I glared at her. Pero nginisihan nya lang ako.

"Whoa I'm scared!" Natatawa pa na sabi nya. Nakita kong tumayo si Cally tapos bigla nyang sinalampak sa bibig ni Summer yung muffin na hawak nya. Kaya naman natawa ako. Hahaha si Cally lang talaga ang may kayang gawin yun kay Summer. 

"Ano ba Cally! Kainis ka naman." Pinunasan nya naman yung bibig nya.

"You're too garrulous. Just shut your fvckin' mouth ok?" Seryosong sabi ni Cally. Ano kaya problema neto? Masyadong serious these past few days. Siguro dahil kay Pag-asa a.k.a Chance. Hahaha may 'Chance' pa kaya syang bumait? ^__^V

Love Bet (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon