Chapter 10: Biology Class

133 6 0
                                        

Chapter 10: Biology Class

[Julian's POV]

Thursday na pala. Ngayon yung Biology class ko. Kailangan ko ng lab gown at gloves para sa activity na gagawin namin mamaya sa Lab. Kinuha ko na lahat ng kailangan ko ngayong araw pagkatapos pumasok na ako. 

Pagkadating ko sa room, halos andun na lahat ng classmates ko. Habang naglalakad ako papuntang upuan ko, narinig kong pinag-uusapan ng ibang classmate ko yung gagawin namin sa lab mamaya.

"Ang alam ko magdadisect daw tayo ng frog, yun kasi sabi ng friend ko sa kabilang section. Yun daw pinagawa sa kanila ni Maam Aragon."

"Eeeeew naman! Bat frog pa ida-disect natin?" Tanong naman nung isa. 

"Bat anong gusto mong i-disect? Kalabaw?" Sagot naman nung isa.

Nakarating na ako sa upuan ko. Magda-disect pala kami mamaya kaya siguro nagpadala ng gloves si Maam kasi alam nyang maaarte mga estudyante dito. Tsk. Bumukas na rin yung pintuan ng room namin at pumasok na nga si Maam Aragon. Tumayo na kaming lahat para magdasal at pagkatapos magdasal, nagsalita na agad si Maam.

"Ok class, this morning you're going to disect a frog. Pero by two's kayo kasi limited lang yung frog na gagamitin nyo ngayon."

"Maam choose your partner ba?" tanong nung isang kaklase ko.

"Sige, choose your own partner. Be ready after 5 minutes, and we're going to the Science lab." Sagot naman ni Maam at lumabas ng room.

Nilibot ko naman yung paningin ko sa buong room, naghahanap ng pwedeng partner ko. Lalapitan ko na sana yung isang kaklase ko na lalake, yung laging tahimik kaso may humarang sa akin. Nagtaka naman ako kung bat sya nasa harapan ko.

"Julian pwede bang partner tayo?" Sabi nya. 

"Ayoko. Lumayas ka nga dyan sa harapan ko!" Inusod ko sya ng konti para makadaan ako. Pero bigla ulit syang humarang.

"Please? Wala akong partner eh." Nagpapaawa naman yung mukha nya na tumingin sa akin.

"Ayoko nga! Bakit ba ang kulit mo?! Andyan naman yung mga kaibigan mo kaya pwede ba paraanin mo na ako!" Inusod ko ulit sya pero makulit talaga tong si Megan kaya hinarang ulit ako.

"May partners na sila eh! Ako na lang ang wala kaya pumayag ka na!" Ang kulit talaga.

"Si Reigne na lang partner mo! Tabi dyan pupuntahan ko pa yung magiging partner ko." Hindi pa rin sya umalis sa harapan ko.

"Absent sya eh!" Sagot nya.

"Di maghanap ka ng iba! Wag ako ang ginugulo mo! Gumilid ka na nga!" Gumilid na nga sya. Hay, buti naman. Maglalakad na sana ako papunta dun sa kaklase naming lalake pero  napahinto ako nang biglang sumigaw si Megan.

"Listen everyone! Wag nyong kukuning partner si Julian dahil kung hindi lagot kayo sa akin! Ako lang ang pwede nyang maging partner. Understand?" Um-oo naman silang lahat kaya lumingon ako ulit kay Megan.

"Bat mo ginawa yun ha?! Ano ba sa salitang AYOKO ang hindi mo maintindihan?!" Galit na talaga ako. Nakita ko kasing may partner na yung balak kong gawing kapartner. Bwisit talaga na babae to!

"Sa gusto nga kitang maging partner! Pumayag ka na lang tutal naman wala ng may balak na kunin kang kasama." Nakangisi pa talaga sya! Ahhhhhhhhhh! 

Love Bet (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon