Chapter 14.2: Gig Part 2

134 3 1
                                        

 Chapter 14.2: Gig Part 2

[Summer's POV]

(see her pic at the side)

Anong ginagawa ng kutong lupa na to sa harap ng pamamahay ko?! 

Nakatingin lang sya sa akin. Problema neto? At bakit sya andito sa teritoryo ko? -___-

"What are you doing here?" Mataray na tanong ko sa kanya. Ngayon nagagaya na ako sa mga kaibigan kong puro masusungit. Oh well, I don't care. Kaaway ko ang nasa harapan ko ngayon kaya ok lang magsuplada.

"I came here to fetch you." Tipid na sagot nya. 

"Thanks but no thanks. Cally's going to fetch me. You can go now. Shoo! Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya. 

"Tsk. Still the same brat." He scoffed. Hanggang ngayon ang yabang pa rin nya! Sipain ko sya eh!

"Sinong brat ha?! Umalis ka na nga dito!" Tinulak ko na sya papunta sa driver's seat. Naaalibadbaran na ako sa pagmumukha nya! >,<

Nagulat ako nung bigla nyang hinawakan yung dalawang kamay ko tapos sinandal nya ako sa kotse.

"Ano ba Kyle! Bitawan mo nga ako!" Pero hindi nya ako pinakinggan. Nakatitig lang sya sa akin kaya naman naiilang na ako. Ehhhhh! >__<

"Ang tigas pa rin ng ulo mo hanggang ngayon. Sumakay ka na. Malelate tayo sa gig natin." Oo, kabanda ko sya. Ako ang lead guitarist, yang panget na yan yung vocalist namin. 

"Ang kulit mo! Susunduin nga ako ni Cally!" BV na ako! Panira talaga ng araw tong taong to kahit kelan. 

"Call her. Tell her na kasama mo ako." 

"Are you crazy?! Sinapak pa mamaya ako nun!" Galit kasi si Cally kay Kyle. Why? Secret! Hehehe ^__^V 

"Bahala ka kung anong sasabihin mo sa kanya. Sakay na." Binitawan na nya yung kamay ko tapos binuksan nya yung pinto sa passenger's seat. Psh. No choice, sumakay na ako. 

Kinuha ko yung cellphone ko sa bagpack ko. I dialled Cally's number. 

"Hey Cally."

(Oh? Ready ka na? Papunta na ako dyan.)

"Ahm.. Ahmm wag mo na pala akong sunduin sa bahay. OTW na ako eh." 

(Ano?! Takte ka Summer!)

"Hehehe. Sorry. Kitakits na lang dun. Bye!" 

(Nakakainis k--) Pinutol ko na yung tawag. Ang sakit sa tenga nung sigaw ni Cally eh.

Tinago ko na yung phone sa bag ko saka ako tumigin sa labas. Ayokong kausapin yung impaktong kasama ko ngayon. Pero ayoko din naman na mapanis yung laway ko. Kating kati na akong tanungin sya eh.

"Hoy panget! Asan yung octopus mong girlfriend?" Nakataas pa talaga yung kilay ko habang nagtatanong.

"How many times do I have to tell you that she's not my girlfriend?" Naiiritang sagot nya sa akin. Psh. Sya pa tong naiinis. Uupakan ko na talaga to!

"Hindi daw! Sus lokohin mong lelang mo!"

"Hindi nga. Kulit. Ikaw lang naman kasi ang nagsabi na kami." 

Napatingin naman ako sa kanya. Tama ba yung narinig ko? Takte. So ako pa talaga ang may kasalanan ngayon?! 

"What do you mean? Eh ano yung nakita ko noon ha?" Naiinis na naman ako sa kanya. Asar lang eh. Parang ako pa kasi yung lumalabas na may kasalanan.

Love Bet (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon