Chapter 4: Punch & Punch

135 9 0
                                        

Chapter 4: Punch & Punch

[Megan's POV]

OMG I think he's going to slap my beautiful face! Natatakot na ako dun sa lalakeng kaaway ko kaya medyo umatras ako ng konti. Paano na to? I'm so stupid! Sana di ko na lang sya sinabihan ng pangit. I need heeeeeeeeeeeelp!

Nagulat ako nang may biglang sumigaw

"Hoy bakla ka ba ha? Pati babae papatulan mo?"

Napatingin kaming lahat kay Nerdy. Agad itong nakalapit sakanila. Hinawakan ni Julian yung kamay nung lalake sabay tulak dito.

"At sino ka naman? Ikaw ba boyfriend ng maarteng babae na to?"

"Oo! kaya wag na wag mo syang sasaktan, ni wag mong mahawak hawakan kahit dulo ng daliri nya!"

Ano d-daw? Boyfriend ko sya?! Ewwwwwwwww!

"Ang yabang mo ha! Pareho kayong mayabang ng babae na yan! Bagay nga kayo!"

Mukhang napikon si Julian kaya bigla nyang sinuntok sa mukha yung lalake.

"Anong sinabe mo HA?!" sabay suntok ulit dun sa lalake, this time sa may tyan naman. Nakita nyang napapikit sa sakit si Pangit.

Ang galing palang sumuntok ni Nerdy. Walang mag aakala na malakas pala to. Mukhang lampa kasi eh pag titignan mo. Nanonood lang sya sa away nung dalawa, natatakot syang lumapit baka pati sya masuntok ni Julian.

Nagulat ako ng biglang sinuntok ni Pangit si Nerdy sa mukha, nalaglag tuloy yung salamin sa mukha nya.

"Yan! Yan napapala ng pakilamero na tulad mo!" sigaw nung isang lalake

Lumaban si Julian. May dugo na sa gilid  ng labi nito. Tuloy tuloy na sinuntok  nya yung lalake hanggang sa matumba na to sa sahig.

"Ano ka ngayon? Hanggang salita ka lang naman pala eh!" sabi ni Julian

Tumakbo palabas yung mga kasamahan ni pangit. Naiwan sya dun mag isa. Dahan dahan itong tumayo at humarap kay julian.

"Hindi pa tayo tapos!"

Lumabas na yung lalake. Nilapitan ko si Julian at kinuha ko yung panyo sa bulsa ko.

"Are you ok?" tanong ko sakanya habang pinupunasan yung dugo sa labi nya.

Tinignan nya ako ng masama tapos tinabig nya yung kamay ko.

"Do I look like I'm okay huh?! Dahil sayo napaaway ako ng wala sa oras!"

"I'm s-sorry."

"Sorry? Walang magagawa yang sorry mo! Tignan mo nagkasugat ako dahil sayo! Minsan kasi gamitin mo yang utak mo! Salita ka ng salita di mo alam na lalake yang kaaway mo! Paano na lang kung wala ako dito e di duguan ka na sana!"

"I know. Kaya nga sorry na eh and thankyou sa pagsave mo sakin."

"Sa susunod tumahimik ka na lang para di ka mapahamak! Nadadamay pa ang ibang tao dahil sa katigasan ng ulo mo!"

"Oo na. Sorry talaga."

"Psssh! Whatever!"

Tumalikod na ito sakanya at lumabas ng room..

Saan kaya pupunta yun?

Umupo na lang ulit ako, at nag-isip..

Di ko akalain na sya pa yung tutulong sakin ngayon. Mabait pala sya kahit suplado. Wala kasi talaga sa itsura nya na marunong syang makipag-away. Atsaka alam ko na medyo naaasar din sya sakin dahil maarte ako. But, still he saved me from those creatures. 

Di pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

[Julian's POV]

Pagkatapos kong pagsabihan si Megan, tumalikod na ako at lumabas ng room namin. Nagmamadali akong makarating sa CR. Pagkadating dun, humarap agad ako sa salamin at tinignan yung nangyari sa mukha ko.

May konting pasa sa gilid ng lips ko. Pinunasan ko yung konting dugo na natira dun.

Nakakainis! Buti sana kung wala akong brace! Ang sakit tuloy ng bibig ko dahil dun sa suntok na binigay sakin. Napansin din ko na nawawala yung salamin ko. Asan na kaya yun? Siguro nalaglag nung sinuntok ako ng isda na yun!

Bat ko ba kasi tinulungan yung spoiled brat na yun eh!

Aishhhhhhhhh! Siguro hindi ko lang matiis na makakita ng babae na sinasaktan ng kapwa ko lalake..

After 10minutes bumalik na rin ako sa room.

Pagkapasok ko dun, hindi na lang si Megan ang nasa loob. Nagsisidatingan na rin yung ibang classmates namin. Habang naglalakad, nahuli kong nakatingin sakin si Megan.

"Thankyou!" she mouthed.

Hindi ko alam pero medyo nawala yung inis ko sakanya dahil dun sa sinabi nya.

Love Bet (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon