Chapter 13: WTH? I'm confused!

148 6 1
                                        

 Chapter 13: WTH? I'm confused!

"Who's that young boy?!" Napalingon naman ako sa likod ko.

0__0

=___=

Uh-oh. 

Bakit andito sya?!

Sa pagkakaalam ko kasi nasa States sya para sa isang business trip.

Tumingin naman ako kay Julian. Nakatingin lang sya sa aming dalawa.

"Answer my question Megan!" Mainit na naman ang ulo nya. Lagi naman. Wala ng bago at sanay na din ako. Ever since magkaisip ako, lagi na lang nya ako sinisigawan. 

"None of your business old hag." You can't blame me if I treat my Grandfather this way. Tumalikod na ako at pumasok sa loob pero napahinto din ako nung magsalita ulit sya.

"You really don't have any manners at all. You're just like your Mother!" Sa puntong yun, hindi ko na napigilan yung sarili ko. Sabihan mo na ako ng kahit ano, wag na wag mo lang ako icocompare sa Mommy ko!

"DON'T YOU EVER COMPARE ME WITH MY MOTHER! I AM NOT LIKE HER! YOU OF ALL PEOPLE SHOULD KNOW THAT!!" 

Napahinto naman sya tapos tumingin lang sa akin. I also gave him a cold stare. Natigil lang kami nung lumabas si Gran-Gran sa pinto.

"Apo! Andito ka na pala." Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Yumakap din ako sa kanya.

Pumasok naman na sa loob yung Grandpa ko. Psh. I really hate that old man. 

"Hija sino yang kasama mo?" Nakatingin na si Gran-Gran kay Julian. Ngumiti naman siya kay Grandma. 

So nakita nya yung away namin  ng Grandpa ko? OMG nakakahiya! Baka isipin nya na wala akong galang sa matatanda! Ganun lang talaga kami ng Grandpa ko pag nagkikita. Wala ng bago dun. Pati nga si Gran-Gran, sanay na eh. >__<

"Gran-Gran this is Julian, my classmate. Julian, this is my Grandma. Hinatid nya po ako dito kasi wala yung driver ko." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.

Nagmano naman si Julian sa kanya.

"Hello po Lola."

"Hijo, pasok ka muna sa loob. Magmeryenda ka na muna. Thank you pala sa paghahatid sa apo ko dito." Hindi na nakasagot si Julian kasi hinila na sya ni Gran-Gran sa loob. Tumingin naman ako sa kanya. Yung tipong PUMASOK-KA-NA-LANG-SA-LOOB Look.

Pagkadating namin sa loob, amoy newly baked cookies yung paligid. Hmm, my favorite. 

Sa garden kami nagmeryenda.

"Megan maiwan ko muna kayo dito. Kauuwi lang ni Grandpa mo kaya aasikasuhin ko muna sya. Ikaw na bahala sa bisita mo ha? Be nice to him." 

"Yes Gran-Gran." 

"Hijo kain lang ng kain ha? Wag kang mahiya. Sige I'll leave you two here. Enjoy!"

Pumasok na nga siya sa loob. Tahimik lang kami dun. Walang umiimik. 

Baka mapanis laway ko neto kaya ako na yung unang nagsalita.

"Julian pasensya na sa abala ha? Kelangan mo na bang umuwi?"

"Hindi pa naman. Wala naman akong gagawin."

"Are you sure?"

"Oo. Tsaka enjoy ako sa pagkain ng cookies na ginawa ng Grandma mo. Ang sarap!" 

Love Bet (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon