Chapter 8: The List

139 7 0
                                        

 Chapter 8: The List

[Megan's POV]

Nasa loob ako ng classroom namin, pero wala sa tinuturo ng teacher namin yung isip ko. Hanggang ngayon kasi, yung nangyari kagabi ang paulit-ulit na nagpeplay sa utak ko. Nakakainis! Halos wala akong tulog dahil sa sobrang kakaisip kagabi, tapos hanggang dito ba naman yun pa rin ang iniisip ko. Gusto ko na ngang iuntog sa pader yung ulo ko eh para mawala na yun sa isip ko! 

*sigh*

Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kagabi..

Flashback

Pagkadating ko sa sala, yun na naman na eksena ang nakita ko. Si Daddy, nasa sahig hawak hawak yung isang bote ng alak. Nakayuko lang sya habang walang tigil sa pagtungga dun sa bote. Ang tahimik ng bahay namin kaya dinig na dinig ko yung mahinang hikbi ni Dad. Nilapitan ko sya at niyakap.

"Hush now Dad. I'm here." Mas lalo kong hinigpitan yung pagkakayakap ko sakanya. Gusto kong iparamdam sakanya na kahit wala na si Mommy, andito pa rin ako sa tabi nya. Hinding hindi ko sya iiwan.

"Megan, hindi ko na alam ang gagawin ko." Humarap sya sakin, tuloy tuloy yung pagbagsak ng luha sa mukha nya. Nahihirapan ako tuwing nakikita ko syang ganito parang bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko nung iniwan nya kami at sumama sa iba. 

Nung araw na umalis sya, yun din ang araw na pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi na ulit ako maniniwala sa tinatawag nilang LOVE. Dahil sa salitang yan, naghihirap ng ganito yung pinakaimportanteng tao sa buhay ko. 

"Dad, stop crying. It will not change anything, and crying are only for those weak people who don't have enough courage to face their problems." Pinunasan ko yun luha sa pisngi nya. 

Hindi ko na matandaan kung kelan ako huling umiyak. Tinuruan ko yung sarili ko na wag iiyak pag may problema, instead mag-isip ako ng paraan para masolusyonan ko yun. 

"I'm still hoping that she'll come back." 

"Dad, she's not coming back. Just accept the truth that she's happy with her other family. You should move on." Sana nga matanggap na nya na wala na talaga. Hindi na sya babalik. Pagod na akong makita syang naghihirap dahil sa kanya. 

"Dad, just do this for me. For us. Please." 

"I'm trying Megs. I'm trying." Tumayo na sya pagkatapos nun. Nakatingin lang ako sakanya habang umaakyat sya sa hagdan. 

Sana matapos na to..

End of Flashback

Back to reality. Nilibot ko yung tingin ko sa loob ng classroom. I saw Reigne talking to his seatmate. Hindi ko na lang pinansin. Inikot ko ulit yung tingin ko, and this time, I saw Julian sleeping. Nakatitig lang ako sa kanya, napansin ko na ang cute nya pa lang tignan pag natutulog. Parang nawawala yung pagkasuplado nya. Oo nga pala, yung pustahan namin. I need to make plans on how to get his attention. Gagawa ako ng list para hindi ako malito. Hmm, I'm gonna start right after our class. And by tomorrow, I should be able to accomplish something para matapos na agad to.

Narinig kong nagbell na kaya recess na namin. Narinig ko din yung teacher namin na nagsasalita pa din.

"Ok class, don't forget to bring your lab gowns next meeting because NO LAB GOWNS NO ENTRY in my class. Understand?" Biology class pala to. Tss 

"Yes Maam." sagot ng mga classmates ko. Yeah, right whatever.

Tumayo na ako sa upuan ko at diretso na akong lumabas sa classroom namin kahit di pa kami dinidismiss nung teacher namin. Narinig kong tinawag nya yung pangalan ko but I just ignored her. Hell, I don't care. Tuloy tuloy pa rin ako sa paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa CR ng girls. 

Love Bet (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon