Chapter 14.3: Gig Part 3

130 4 0
                                        

 Chapter 14.3: Gig Part 3

[Megan's POV]

Bumaba na si Julian sa sasakyan kaya naman bumaba na din ako. Hindi ko alam kung nasaan kami pero isa lang masasabi ko, ang ganda dito. Nasa may seaside kami eh. May mga benches sa paligid. Nakita ko naman na umupo si Julian kaya nilapitan ko sya at umupo ako sa tabi nya.

Pareho kaming tahimik lang. Nakatingin sa dagat. Kokonti lang yung tao. Nagulat ako nung bigla syang magsalita.

"Ang ganda dito no?" Napatingin naman ako sa kanya. 

"Ah oo." Sagot ko na lang.

"My Mom used to bring me here when I was young. Ang saya saya ko kapag dinadala nya ako dito. Naghahabulan kami lagi tapos kapag nahuli nya na ako, bubuhatin nya ako at kikilitiin." Base sa kwento nya halatang mahal na mahal nya yung Mommy nya. Hayy.

Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya. 

"Alam mo ipagpapalit ko lahat ng mayroon ako ngayon, maulit lang yung pagkakataon na makasama ko yung Mommy ko." Nagtaka naman ako sa sinabi nya.

"Bakit asan ba yung Mommy mo?" 

"Huh? Nevermind." Ano yun? Nababaliw na naman yata sya. -__-

Ako na lang magtatanong sa kanya tutal naman alam kong hindi na ulit yan magsasalita.

"Bakit ka pala nandun sa bar kanina?"

Matagal bago sya sumagot. Akala mo naman kung question sa Miss Universe yung tanong ko. Psh. -.-

"Ininvite ako ng bestfriend ko na manood sa gig nya." 

"Who's your bestfriend?" May kaibigan pala sya? Hindi halata eh. Loner nga kasi di ba? >.<

"Si Kyle." 

0___0

Bestfriend nya si Kyle? Weh di nga? 

"Really?" Yan na lang nasabi ko. Shocked pa rin ako eh. Parang nakakagulat kasi malaman na kaibigan nya yung si Kyle. At bakit hindi alam ni Summer yun? >0<

"Yep."

Ang tipid na naman nya sumagot. Bipolar talaga. Tss. Hindi na ulit ako nagtanong. Walang kwentang kausap yan eh. (--.)

Tumayo na lang ako at naglakad-lakad. Mag-eenjoy na lang ako mag-isa kesa naman nakatunganga ako dun kasama yung Nerd na yun. 

*blurt*

Tunog yan ng tyan ko. Waahhhh! Gutom na ako. Puro finger foods lang naman kasi yung kinain ko kanina sa bar. Paano to? Lumingon ako sa paligid. Wala akong makita na stall na nagbebenta ng foods. T__T

Bumalik ako sa kinauupuan ni Julian. Madalas sya dito kaya alam nya siguro kung saan pwede kumain.

"Uy Julian san ang kainan dito? Gutom na ako eh." 

Tumingin lang sya sa akin. Shemay naman! Gutom na ako!

"Hoy Julian!" Sigaw ko na sa kanya. Hindi umiimik eh. Baka namaligno na.

"Walang restau na malapit dito." Sagot nya sa akin. 

Pagkain. Kailangan ko ng pagkain. T___T

Napatingin naman ulit ako sa kanya nung magsalita sya.

"Pero may alam akong kainan na malapit dito. Hindi ko lang alam kung magugustuhan mo." 

Love Bet (ON-GOING)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon