Hindi ko inakala na magiging malapit tayo sa isa't-isa, paano ba naman kasi ang sarap mong kausap, may sense of humor, and fun to be with.
''Kai'' pa nga ang tawagan natin, short for "Kaibigan"
Lagi tayong sabay sa pagpasok at pag-uwi, kasama sa lahat ng bagay at taga-pagtangol ng isa't isa.
Lagi ka rin sa bahay namin, nag papaturo ka sa mga gawain sa school na hindi mo maintindihan. Minsan nga ay napipikon na'ko sa'yo. Sa tuwing tuturuan kasi kita ay lagi mo akong tinutulugan kaya ang ending, sa amin ka na natutulog.
Iyong kama ko, parang kama mo na rin. Para tuloy akong nagkaroon ng instant kapatid na kuya na besfriend.
Dumating ang isang araw, P.E iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko, dahil biglaan akong nagkaroon ng dalaw at kung minamalas ka nga naman wala akong baong sanitary napkin. Mabuti na lang, naroon ka.
"Here, I'll wait you outside" medyo nainis pa nga ako sa'yo dahil tumatawa ka.
"Bakit ka ba tumatawa?"
"Hindi mo kasi sinabi sa'kin na pwede na pa lang gumamit ang mga lalaki ng sanitary napkin, edi sana pinagbaon kita"
Pinili kong magpalit na lang kaysa patulan ang mga kalokohan mo. Minsan napipikon na rin ako sa'yo, ang tingin mo kasi sa'kin tomboy.
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...