Hindi ko magawang maging masaya para sa'yo at kay Mich.
Si Mich 'yung tipo ng babae na gugustuhin mo. Maganda, mabait, mayaman at matalino, pero bakit sa dami-rami ng mga babae, bakit si Mich pa? Bakit hindi na lang ako?
Sana ako na lang si Mich.
Niligawan mo siya nang halos limang buwan, lagi kang busy sa paghatid at pagsundo sa kanya.
Ang dalang na nating magkita. Hindi ka pa man niya sinasagot ay unti-unti ka nang nawawala sa tabi ko. Paano na lang kung maging kayo?
Grade 12 na tayo pero hindi ka pa rin niya sinasagot. Gabi-gabi kong pinapanalangin na sana hindi maging kayo.
"Sana 'wag maging si Kai at Mich. Sana kami na lang"
Pumunta ako sa bahay niyo para naman makapag bonding tayo, iyon din ang unang beses na nakita kitang magluto.
"Wow, ang sarap naman niyan! "
"Huwag mong gagalawin 'yan, para kay Mich 'yan "
Mich na naman. Lagi na lang si Mich. Hindi mo man lang ba nami-miss ang bestfriend mo?
"Sige bye, uuwi na lang ako"
Hiniling ko na sana pigilan mo ako, na sana habulin mo ako, pero hindi iyon nangyari, hinayaan mo lang akong umalis.
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...