Unang araw iyon ng April, pakiramdam ko ay gusto kitang sapakin.
"Kai, I have something to tell you"
"A-ano 'yon?"
"I think... I'm falling inlove with you, Kai"
Parang gusto kong umiyak noong marinig ko iyon, pero umurong din iyon noong sabihin mong,
"Happy April Fools, Kai! Nagbibinata ka na"
-•∽•⌒•◈•⌒•∽•-
One year later
Isang taon ang lumipas, napagisip-isip kong aminin na sa'yo ang nararamdaman ko, kaya noong nag karoon ako ng chance na sabihin iyon sa'yo ay hindi ko na pinalampas.
Dalawa lang tayo sa kwarto ko. Wala si Mama at si Papa.
"Kai, gusto na yata kita. Alam kong magkaibigan tayo pero... hindi lang kasi kaibigan ang turing sa'yo ng puso ko"
Matapos kong sabihin sa'yo iyon ay parang nabunutan ako ng karayom sa puso. Ang sarap sa pakiramdam pero hindi ko alam na gano'n ang magiging reaksyon mo.
"Hahaha. Nagpapatawa ka ba? Hindi tayo talo, lalaki ka tapos lalaki rin ako"
Hindi ko alam kung paano mo 'ko nagagawang tawanan, hindi ko kasi kayang tawanan ang nararamdaman ko sa'yo, Kai.
"Jade, tell me the truth. Nagdro-droga ka ba?"
Napa-iling na lang ako at mabilis na tumalikod. Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mainit na likido sa aking magkabilang pisngi, something called tears.
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...