Dumating ang birthday ko. Lahat ng mga classmates ko ay dumalo. Hawak ko pa rin ang cellphone ko dahil baka mag-text ka.
Hindi ko na-enjoy ang birthday ko dahil panay lang ang tingin ko sa orasan. Anong oras na pero wala ka pa rin.
Kahit na gano'n hinitay pa rin kita, baka kasi late ka lang.
"Happy Birthday! "
Si Tita Nimpha . Akala ko ay kasama ka niya, pero nagkamali ako.
"Nasaan po si Nico? "
"Umalis kanina, wala pa ba siya? "
"Wala pa po"
"Baka bumili lang iyon ng regalo"
Nabuhayan ako ng loob noong sabihin iyon ng Mama mo. Baka nga bumili ka lang ng regalo para sa'kin.
Isang oras pa ulit akong naghintay. Ang sabi ko, baka na-traffic ka lang.
"Bye Jade, uwi na kami. Happy Birthday ulit! "
Natapos ang birthday ko pero walang Nico ang dumating, walang Kai ang nagpakita....
Hindi ka dumating.
Buong gabi akong umiyak sa kwarto ko. Ang sakit-sakit dahil hindi ko inakala na makakalimutan mo ang birthday ko.
Mas lalo pa akong naiyak noong buksan ko ang cellphone ko at basahin ang mga greetings doon, pero ni isang text mula sa'yo ay wala akong natanggap.
Bakit ganoon Kai? simula noong mapagtanto kong mahal kita ay lagi na lang akong umiiyak, lagi na lang akong nasasaktan. Mali ba na mahalin kita?
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...