Pahina Labing-apat

126 24 4
                                    

Habang naghihintay ng flight ay hindi ko maiwasang hindi malungkot. Hindi ko kasi alam kung magtatagal ako roon ng 5 years, o baka for good na.

Masyado iyong matagal, baka pagbalik ko ay may bago ka ng bestfriend.

Baka hindi na ako 'yung nag-iisang ''Kai'' ng buhay mo.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang text mo.

Nico: Mag-ingat ka, Kai. Sana maging masaya ka. Don't worry, I'm always here if you need my help. I will miss you. Take care :)

Medyo gumaan ang pakiramdam ko noong mabasa ko ang text mo.

Hindi ko inakala na dahil sa'yo ay haharapin ko ang isa sa mga bagay na kinatatakutan ko.

Ang sumakay ng eroplano.

Alam kong dadating ang araw na makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko sa'yo, maglalaho rin ito. Hindi man gano'n kabilis pero isang araw, dadating din ako do'n.

Nahagip ng mga mata ko ang panyong inabot mo sa'kin noong una tayong magkita.

Tandang tanda ko pa ang araw na iyon at ang mga katagang binitawan mo.

"Miss, panyo mo"

"Thank you"

"Welcome. Next time ingatan mo 'yang panyo mo, mukang magugustuhan ko ang may ari e"

Pero tama ka nga, nagustuhan mo nga siya.

Hindi naman talaga sa akin ang panyong iyon. Tinanggap ko lang iyon dahil parang siguradong sigurado ka na sa akin nga iyon.

Isa pa, nadala ako sa kindat mo.

Naiinis ako noon, dahil sa dami-rami ng babae sa mundo, bakit si Mich pa?

Bakit siya pa?

Binuksan ko ang panyong iyon, kung saan nakaburda ang pangalan ng isang babae.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.


"MICH"




BOOKITOKKI

Aerophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon