Sabado iyon. Nagulat ako noong makita kita sa sala namin, may dala kang box.
"Pasensya ka na, Kai. Hindi ako nakarating sa usapan natin, sinamahan ko kasi si Mich sa bahay nila e"
Gusto kong magalit sa'yo, gusto kitang sigawan dahil hindi ka dumating pero mas pinili ko na lang magsinungaling.
"Okay lang, hindi rin naman ako nakapunta"
"For you, ako nag-bake niyan"
"Salamat"
Noong gabi, kinain ko 'yung cookies na ginawa mo. Parang may magic dahil biglang nawala ang tampo ko sa'yo.
Sa school, lagi ko kayong nakikitang magkasama. Ang saya-saya niyo, minsan nga ay hindi mo napapansin ang pagdaan ko.
Kapag nagkikita tayo, lagi lang tayong nagha- " Hi" and "Hello" sa isa't- isa.
Ang layo mo na sa'kin, Kai. Ang layo na natin sa isa't-isa.
"Anak, birthday mo na sa Linggo. Pupunta ba ang mga kaklase mo? "
Oo nga pala, birthday ko na. Sa sobrang focus ko sa'yo, pati kaarawan ko ay nakalimutan ko na.
"Opo, Mama"
Noon, bago dumating ang birthday ko ay lagi mo akong binabati nang paulit -ulit.
Pero iba na ngayon...iba na nga pala ngayon.
Maghapon ko lang tinitigan ang cellphone ko dahil umaasa 'kong magte-text ka.
Pero wala ni isang text ang dumating.
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...