Hindi ko naman ginustong ma-inlove sa bestfriend ko. Kung flashdrive lang ang puso ko ay hindi ako magdadalawang isip na i-format ito, kahit ang wasakin ay gagawin ko.
It was never been easy to fall in love with your bestfriend, and it will never be.
Nagdaan pa ang tatlong araw. Hindi ko ginagalaw ang cellphone ko, kahit ang i-charge ito ay hindi ko ginawa. Nagulat na lang ako noong biglang mag-appear ang pangalan mo sa phone ko.
Nagtext ka.
*1 message from Kai*
Nico: Kai, gising ka pa?
Ako: Oo, bakit?
Nico: I can't sleep.
Ako: Bakit naman? Itulog mo na lang 'yan.
Ilang minuto pa ay hindi ka na nagreply kaya dinalaw na rin ako ng antok.
Pero nagtext ka ulit.
Nico: May sasabihin ako sa'yo bukas sa school. Second floor, sa music hall. Hihintayin kita
Bigla akong kinabahan. Hindi na bago sa'kin ang linyang iyan.
Posible kayang gusto mo rin ako, Kai?
Nawala ang antok ko, pakiramdam ko ay gusto mo na rin ako. Kaya noong gabing iyon, ipinagdasal ko na sana maging tayo na.
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...