Pahina Labing-dalawa

77 22 0
                                    

Kinabukasan ay maga ang mga mata ko. Mukha akong zombie dahil sa puyat at pag-iyak.

Ayokong makita ka, pero sinalubong mo pa rin ako sa klase.

"Kai, sorry hindi ako nakapunta, may emergency kasi si Mich kahapon"

Mas importate pa ba ang emergency na iyan kaysa sa birthday ng bestfriend mo? Kahit isang text lang ay hindi mo nagawa.

Siguro nga mas kailangan ka ng girlfriend mo kaysa ng bestfriend mo.

"Okay lang 'yon" mapait akong ngumiti.

"Belated Happy Birthday, Kai" sabay abot mo ng regalo.

"Salamat"

Isang araw isinama mo ako sa lakad niyo ni Mich. Pinagsisihan ko ang pagsama dahil daig ko pa ang body guard niyo, para 'kong asong buntot ng buntot sa inyo.

"Ayos ka lang ba, Kai? "

"Oo, ayos lang"

Christmas iyon. Akala ko ay pupunta ka sa amin dahil lagi ka naman pumupunta noon, pero hindi.

Iba na nga pala ngayon. Nagbago na nga pala ang lahat.

Simula nang ligawan mo si Mich ay hindi na tayo sabay umuwi, hindi na sabay mag-lunch, hindi na sabay pumasok. Maraming bagay ang hindi na tulad ng dati.

Tuluyan ka nang nawala sa'kin Kai, wala na 'yung Kai na nakilala ko, 'yung laging nasa tabi ko 'pag kailangan ko.

Wala na ang bestfriend ko.

Aerophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon