Kinabukasan ay masaya akong pumasok. Dumiretso kaagad ako sa meeting place. Kada hakbang ko ay lumalakas ang tibok ng puso ko.
Bigla akong kinabahan noong makita kitang nakangiti at naghihintay sa'kin.
" Kai...Ano 'yung sasabihin mo?"
" Alam ko corny pero..."
"Ano 'yun Nico? Anong gusto mong sabihin sa'kin?"
Halos magmakaawa na 'ko sa'yo, desperada na akong malaman kung ano man ang sasabihin mo.
Baka kasi magtatapat ka lang...
" Uhm..."
dug...
dug...
dug...
"Pwede ba 'kong..."
dug...
dug...
dug...
" Pwede ba 'kong magpatulong manligaw?"
"Ha?"
"Gusto ko sanang ligawan si Mich, pero hindi ko alam kung paano iyon gagawin"
Literal kong naramdaman ang kirot sa puso ko. May parang kung anong nakabara sa lalamunan ko, hindi ako makapagsalita.
Hindi ko magawang magalit sa'yo kasi ako naman ang nagpaasa sa sarili ko pero, shit! Sobrang sakit pala.
Parang isinampal sa'kin ang katotohanang malayo talagang maging tayo.
Gusto kong umiyak. Ramdam na ramdam ko ang purong sakit at pagkalumong bumabalot sa katawan ko. Alam kong konting galaw na lang ay bibigay na ako.
Pinilit kong ngumiti kasi nasa harap kita, Kai.
"Please, help me"
Ayoko. Ayoko ang gusto kong isagot sayo, tanga lang ang gagawa no'n, ang ipamigay ang taong mahal mo.
Pasalamat ka dahil tanga ako at mahal kita.
"Oo ba"
Tapos niyakap mo ako. Ang saya mo kahit hindi pa naman kita tinutulungan at hindi ka pa niya sinasagot.
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...