First day of school ng Grade 10. Wala ako sa mood noong mga oras na iyon. Paano ba naman kasi trapik at puro kamalasan ang nangyari sa akin, medyo masakit pa ang ulo ko.
Noong mga oras ding iyon ay bigla mo akong kinalabit.
"Miss, panyo mo"
Nagulat pa nga ako sa biglaan mong pagngiti, parang napaka-friendly mong tao.
Kaya naman kinuha ko ang panyo sa'yo at nagpasalamat.
"Thank you"
"Welcome. Next time ingatan mo 'yang panyo mo, mukang magugustuhan ko ang may-ari e" sabay kindat.
Noong una ay naguluhan ako sa sinabi mo, hanggang sa ma-realize kong joke pala iyon.
Noong makapasok ako sa room namin ay isa na lamang ang bakanteng upuan, kaya't napagpasyahan kong doon na lamang umupo.
"Hey, ikaw 'yung may ari ng panyo, 'di ba?"
Kung nagulat ako sa una nating pagkikita mas nagulat ako sa pangalawa nating pagkikita, classmate pala tayo.
"Ah, oo"
"It's so nice to meet you again. By the way, I'm Nico...Nico Vergara"
"Nice to meet you too, I'm Jade Madrigal"
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
RomansaC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...