Lumipas pa ang maraming buwan, unti-unti na rin akong nasasanay na wala ka sa tabi ko at may girlfriend kang kailangan mong alagaan.
"Jade, sumama ka na lang sa tita mo sa London, pag-aaralin ka raw niya"
Kaya naman noong dumating ang opportunity na makalayo ako sa'yo ay hindi ko na pinalampas pa.
"Sige po Mama, susubukan ko"
Siguro ay mas makakabuti sa akin kung hindi na muna kita makita. Baka sakaling mahanap ko ang lugar ko sa buhay mo, na hamak na bestfriend mo lang ako.
Dumating ang araw ng Graduation. Masaya akong kasama ang pamilya ko at ganoon ka rin sa pamilya mo.
Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko noong lapitan niyo ako ni Mich.
"Congrats, Kai"
"Congrats din sa inyo"
"Salamat pala"
"Salamat saan? " tanong ko.
"Salamat dahil tinulungan mo 'ko kay Mich"
Hindi naman talaga kita tinulungan, ang tanging ginawa ko lang ay ang sabihin kay Mich na gusto mo siya.
"Saan ka mag-aaral ng college? " nagulat ako noong tanungin ako ni Mich
"Sa London, kukunin ako ng tita ko"
Tinitigan ko ang maamo mong mukha. Parang nalungkot ka noong sabihin ko iyon, pero naisip ko na baka nagkamali lang ako.
"Akala ko ba ay takot kang sumakay ng eroplano? Ikaw pa naman si "Jade the Craven"
"Maybe it's time for me to face my fear"
"Mami-miss kita, Kai"
"Ako rin" sabay ngiti ko.
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...