Tuwing lunch ay hindi na rin kita kasabay. Lagi ka kay Mich, lagi akong mag-isa.
That night, nakatanggap ako ng message galing sa'yo.
*1 message from Kai*
Nico: Hey, gising ka pa?
Hindi sana kita re-replyan dahil naiinis ako sa'yo. Pero dahil gusto kita, nag-reply parin ako.
Ako : Oo
Nico: Pwede ka ba bukas ng hapon?
Bigla akong kinabahan.
Ako: Anong oras?
Nico: 5:00 pm sa bench, ililibre kita kahit saan.
Ako: Totoo? Anong meron?
Ang saya ko noong sabihin mong magkikita tayo, hindi dahil ililibre mo ako kung hindi dahil makakasama kita, makakasama ko ang bestfriend ko.
Pero kaagad din iyong nawala noong matanggap ko ang huling mensahe mo.
Nico: Sinagot na ako ni Mich.
Hindi na lang ako nag-reply.
Kagaya nang napag-usapan, hinintay kita sa bench.
Ilang segundo...
Ilang minuto...
Ilang oras....
Pero hindi ka dumating.
Umuwi ako sa bahay dahil nagbabakasakali akong pumunta ka roon. Pero hindi, hindi ka talaga sumipot.
Noong gabi, habang nakatitig ako sa mga bituin sa langit. Hindi ko mapigilang hindi umiyak, dahil bukod sa may girlfriend ka na, miss na rin kita.
"I miss you, Kai"
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...