Umuulan noon, may group project kayo kaya nagpasya akong umuwi na lang mag-isa kahit wala akong payong. Pero laking gulat ko noong tinawag mo ako mula sa likuran ko.
"Jade, hintay! "
"O, akala ko ba ay may group project pa kayo?"
"Tsk, uunahin ko pa ba 'yon? Mamaya mapahamak ka pa"
Hindi ako kaagad nakakibo.
Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko noong hawakan mo ang kanang kamay ko, kahit madalas mo naman iyong ginagawa. Ang weird.
"Let's go Jade, gamitin mo ang payong ko. Ayokong magkasakit ka, hindi na baling ako ang lagnatin, 'wag lang ikaw"
Pagkahiga ko sa kama ko ay diretso akong tumingin sa kisame, may kakaiba akong naramdaman. Bigla ka na lang pumasok sa isip ko, tapos bigla na lang din akong napangiti. Bumalik lahat ng mga memories na meron tayo.
Noong gabing iyon, 10:10, may napagtanto akong isang bagay, bagay na inaamin ng buong pagkatao ko.
Nagkakagusto na yata ako sa'yo, Kai.
The next day, naging sobrang awkward ang lahat sa akin, mabuti na lang at hindi mo iyon napansin. And also that day, may kakaiba sa'yo. Napapansin ko ang maya't maya mong pag-ngiti sa kawalan.
Nagyaya kang mag-review sa bahay para sa quiz kinabukasan. Hindi mo nga ako tinulugan pero magdamag ka namang lutang.
Nauna kang makatulog kaya pinagmasdan ko ang perpekto mong mukha, tapos nag-flashback ang lahat ng pinagsamahan natin.
Shit, Kai!
I think, Mahal na kita...
BINABASA MO ANG
Aerophobia [COMPLETED]
عاطفيةC O M P L E T E D - Short Story Aerophobia- Fear of Flying Lahat tayo ay may mga bagay na kinatatakutan, mga bagay na pinipilit nating lagpasan o hindi naman kaya ay takasan. Hindi inakala ni Jade Madrigal na isang tao at isang karanasan lamang ang...