Pahina Isa

253 24 3
                                    

Bata pa lamang ako ay natatakot na akong sumakay ng eroplano. Tuwing may lakad ang pamilya namin palipad ng ibang lugar ay sinasadya kong magpaiwan o hindi naman kaya ay magdahilan.

May nakapagsabi nga sa'kin, ako raw si "Jade the Craven"

Natatakot ako sa mataas na lugar, hindi dahil mataas, kung hindi dahil natatakot akong mahulog.

Natatakot ako sa alon, hindi dahil malakas, kung hindi dahil natatakot akong malunod.

Natatakot akong mag-take ng exam, hindi dahil mahirap, kung hindi dahil natatakot akong bumagsak.

Natatakot akong sumakay ng eroplano hindi dahil nakakalula, kung hindi dahil natatakot akong mag-crash ito.

Gusto kong harapin ang mga bagay na kinatatakutan ko, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko iyon magawa.


Buti na lang talaga, nakikilala kita...

BOOKITOKKI

Aerophobia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon