A/N: IdiniDedicate ko po to sa kanya. Dahil siya yung unang taong naglagay ng story ko sa RL niya!! Marami pong salamat talaga!! Lalung-lalo na sa lahat ng readers nito. ^___^
____________________________________________________________________________
(Jinesse's POV)
Nakasakay na kaming apat ngayon sa service nina Maura papuntang West Pacific University. Iba-iba kami ng ginagawa. Si Leila, nagbabasa ng libro. Si Maura naman, ayun naglalaro ng Tetris ata tawag dun. Addict talaga -___- Buti pa 'tong si Rhianne walang problema, tulog lang ng tulog. At ako naman eh heto soundtrip lang. Mahilig talaga ako ng music eh. Lalo na 'tong nadidinig ko ngayon. Isa to sa mga favorite ko. Only Reminds Me of You by M.Y.M.P.
Napansin kong tumigil na yung sasakyan kaya bumaba na kami. Nga pala, Civil Engineering yung kinuha kung course, Accountancy ang kay Rhianne, Architecture naman ang kay Leila at Marketing ang kay Maura. Iba-iba? Eh sa ganun ang hilig eh. Nagpaalam na kaming apat sa isa't isa at nagsipasukan na sa kanya-kanyang room.
----
Naglalakad na ko papuntang building ng maalala ko yung phone ni Leila. Shocks! Di ko nasauli. Baka merong tumawag na importante. Tumingin ako sa relo ko. Meron pang oras. Kaya pa to. Tumakbo na ko agad dun sa building kung nasan si Leila.
Habang naglalakad ako, may nakita akong pamilyar na mukha.
Si Paul.
Naglakad ako papunta dun sa direksyon kung nasan siya. Napagdesisyon kong, kausapin siya. Tama ka yung ng dinig. Yung nga yung gagawin ko.
Ano ba naman to! Paano ko siya makakausap eh ang dami-daming tao?! Tsaka bakit bigla-bigla ata yung pagdami? Nagkakagulo na ata eh!!
Habang hinahanap ko si Paul hindi ko namalayang meron na pala akong naapakang paa.
"OUCH!!" Sigaw nung babae. Patay!
"S-sorry Miss." -ako
"WHAT?!! SORRY?!! ARE YOU BLIND??!! Alam mo ba kung magkano 'tong pedicure ko, HA?!" WOW! Eh hindi ko naman sinasadya ah?! Ang arte naman neto. Parang yun lang!
Relax Jinesse. Relax. Patience. Maging mahinahon. Remember na dapat mangibabaw ang Love sa kapwa hindi yung galit.
Hindi na ako sumagot para wala nang gulo.
Tiningnan niya ko from head to toe at binulyawan na naman, "Alam mo bang mas mahal pa to kaysa sa damit mong CHEAP??!!!" Wow! Sakit nun ah!! Pagkatapos niyang sabihing Get Lost ay umalis na siya agad. Pag bumalik yun makakatikim talaga yun sakin! Kainis! Pati damit ko pinagdiskitahan. -_-
Hinanap ko na ulit si Paul. Asan na ba yung lalaking yun???
Habang hinahanap ko siya walang tao na hindi ako nagso-sorry! Pano ba naman kasi, kung hindi naaapakan, nababanga. Nu ba naman!! Kung minamalas ka nga naman o-o!!
BINABASA MO ANG
We Hate PROPELLERS!!!
RomanceAno kayang mangyayari sa buhay ng ating mga bida kung makasagupa sila ng mga PROPELLERS? Magkakagulo ba o magpapatangay na lang sila? READ niyo na lang po para masaya. ^__^ THANKS !