Chapter 16. Saved by the Bell

101 1 3
                                    

(Jinesse’s POV)

LET’S GET READY TO RAMBLEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!

Parang ume-echo na yung boses ng referee ah.

Yung mga mukha kasi nila parang nagsasabing,

THIS IS WAAAAAAAAAAAAAAAAAARRRRRRR!!!!

Lumapit si Kevin samin matapos niyang tawagin si Rhianne.  

Aalis na sana kami eh. Panira talaga to ng moment. "Hai. ^______^” nakangiti niyang sabi habang nakatingin kay Rhianne. Di obvious ha na ang lapad ng ngiting yun.

“Ah. Hello.” Mahinang sabi ni Rhianne. Pagtingin ko kay Maura, yung mukha niya di na maipinta. Si Leila naman, parang nakakita ng multo.

Nagulat nalang ako nung may sumigaw na lalaki habang naglalakad papunta samin. Nabaling yung atensyon naming lahat sa kanya. 

“WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!!!” sigaw niyang sabi habang nakaturo kay Leila.

“Y-YOU’RE THE GAY AT THE SHOOOOOOP???!!!” Nagturuan na yung dalawa. Tadhana nga naman. So, siya pala yung nakainitan ni Leila nung bumibili siya ng heels sa store. XD

Alam kong natatawa narin sila Maura at Rhianne. Pero ang pinagtataka ko eh bakit parang natatawa rin si Kevin pati narin yung isa pa nilang kasama? o.O

“WHAAAAT??!! ME?! A GAY?!!” Grabe. Nagsisigawan talaga sila. As in SIGAW. Baka makagawa kami ng commotion dito. 

“YES. YOU HEARD IT RIGHT! G-A-Y.  GAAAAY!!!” Hinawakan ng lalake yung wrist ni Leila. Teka! Mukhang malakas yung pagkakahawak niya ah!

Lalapit na sana ako kaso. Di nga pala ako makakalapit dun. Di naman kasi pwedeng iwan ko lang si Rhianne sa player slash cassanova na to diba? Mahirap na. Buti nalang nandun sa Maura.

“So, how are you?” Napatingin naman ako kay Kevin na hanggang ngayon ay kinakausap parin si Rhianne. Hindi ba niya napapansin yung atmosphere na nakapalibot samin ngayon? Parang nasa ibang dimension yung utak niya eh! Pagtingin ko kay Rhianne, expressionless lang siya.

“I’m okay.” Mahina niyang sagot dun sa tanong ni Kevin. Tapos nginitian lang siya nito. Mukhang napansin narin ata ako ni Kevin. Kaya binigyan ko lang siya ng who-are-you look.

We Hate PROPELLERS!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon