Chapter 12. Maura's Hate

94 1 3
                                    

(Jinesse’s POV)

Ang tagal naman nila. Kanina pako nag-iintay. =___=

Maya-maya, bumukas yung pinto. Agad akong kumaripas ng takbo papunta dun. Andun kasi ako sa may living room kanina.

“RHIANNE!!!”

Naku, napalakas ata yung sigaw ko. Napahawak  kasi sa tenga si Rhianne.

Napansin ko na parang may papaalis na sasakyan.

“Teka, sino yun?”

“U-Uhm, m-may naghatid kasi sakin.”

“Ahhh. Sus! Akala ko kung-----” Wait... O.O

“ANO?!! May naghatid sayo?!! Sino?! Kaibigan mo? Kilala ba namin? Lalaki ba?! Sino? Sino? SINOOO?!”

“Wait! Iisa-isa lang Mae.”

“Ai! Sorry! Kasi naman! Dun nga tayo sa may living room mag-usap.” At kinaladkad ko siya sa may living room.

----

 

“So, san tayo magsisimula? Dapat sabihin mo sakin yung lahat ng nangyari. Yung LAHAT ha. Dahil kong hindi, may mawawalan talaga.” seryoso kong sabi sa kanya. 

“mawawalan?”

“ng bestfriend siyempre! Sige ka!”

Tingnan mo. Tinawanan lang ako. Seryoso kaya yung mga sinabi ko. =___=

“Tsaka! Baka magulat  nalang kami isang araw meron kang kasama at lalaki pa! Mas maganda na yung alam namin, dba?”  

Naku! Ang Rhianne namin! Baka tini-take advantage na siya ng kung sino mang lalaki nayun! >__<

Lalaki kasi yung naghatid sa kanya. Malamang! Kotse eh! (-_-“)

“Sasabihin ko naman sainyo yung lahat ng nangyari. Tsaka wala naman talaga akong balak na itago yun. At isa pa bestfriends ko kaya kayo.” Mahinang sabi ni Rhianne.

We Hate PROPELLERS!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon