Chapter 1. Graduation day

271 14 11
                                    

(Jinesse’s POV)

 ZzZZZZzzzz....    ZZZZZ....     zZZZzzzzzz....

Nagising yung diwa ko kasi parang...

parang...

may nakadagan? O.o namamasa rin ata yung pisngi ko.

Pagdilat ko...

Si Maru lang pala !

Yung aso kong mataba!! Kala ko kung ano na. Makatulog na nga lang ulit!

Pipikit na sana ako kaso,

umaga na?!! 

Pagtingin ko sa relo...

O.O !!!!!!!

“PATAAAAAAAAAAAY!!!!! Late na koooooo!!!” Dali-dali akong tumayo. Pagsuot ko ng uniform...

teka parang may mali?

“Ay, tange, hindi pa pala ako naliligo!” Tae naman oh.

Takbo dito, punta doon. Bihis dito.

“Mae! Lumabas kana! Malelate kana sa graduation niyo! Ang toga mo nandoon lang sa may cabinet. Bilisan mo na dyan!”

“Andyan na tay! Tatapusin ko lang to!” Bukas agad sa cabinet sabay lagnit dun sa toga.

“Naku naman Mae! Baka masira yang toga! Rinig ko dito ang paglagnit mo!” sigaw ni itay sa baba.

“Patay. Baka nasira. Hiram pa naman to.” Bulong ko habang tinitignan yung toga. Hindi kasi kaya ang gastusin, sa mga gastos pa lang sa graduation eh halos makalbo na kami. Buti na lang hindi nasira. Tumakbo agad ako pababa at kinuha yung bag.

“O’ san ka pupunta? Hindi ka pa nag-aalmusal Mae.”

“Hindi na po siguro ako kakain ‘tay. Late narin po kasi ako. Sige po!” Sabay halik sa pisngi at dali-daling lumabas.

“Mae! Anak! Hintay…” Hindi ko na narinig yung sasabihin ni itay kasi nakalabas nako ng bahay.

Tumakbo nako papuntang eskwelahan. Buti na lang malapit lang dito kasi pag nagkataon eh mas lalo pa kong malate. Nga pala, I'm Jinesse Mae Gardozo. “Mae” ang tawag sakin ng tatlo kong besfriends at ng pinakamamahal kong tatay na si Jerardo. Isang average lang dito sa lipunan. Oops! Oops! Oops! Masaya ako sa buhay ko at matatag ako kaya keri ko lang to! Hanung konek? hahaha.

We Hate PROPELLERS!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon