Chapter 15. First Encounter

84 2 1
                                    

 (Jinesse’s POV)

Sino kaya tong nilalang na nakahilata dito sa upuan?

Natatakpan kasi ng braso niya yung mukha niya kaya di ko masyadong makita. Mukhang tulog ata.

Malamang!! Nakapikit eh!! -___-

Nasa malayo pa yung tatlo. Ang babagal naman nilang maglakad. Nagkwentuhan pa talaga. Aalis na sana ako kaso mukhang gumalaw yung nakahilata dun. Kaya pagtingin ko….

O________O

ANOOO??!

SIYA yung natutulog??!!!

Lumapit ako ng kaunti para makita ko kung si Paul nga ba talaga yung natutulog. At sa kasamaang palad,

Siya nga talaga. =____=

Akalain niyo yun? Ang amo pala nang mukha niya pagtulog. Parang anghel. Pero kung gising naman, kulang nalang eh lapain ka ng buhay!  Halimaw  ata. =____=

Oo nga pala! Papalapit na nga pala yung tatlo dito! >__<

Baka kung anong isipin nila! Aakalain pa ng tatlong yun na ginagawa kong beautiful scenery tong mukha ng mokong nato. Sandamakmak na tukso na naman yung aabutin ko pagnagkataon!

Naghand sign ako. Yung X. Inekis ko yung dalawa kong braso. Tsaka sabay bigkas na “Merong tao!” Pero siyempre walang lumabas na boses baka magising pa tong isa dito eh. Mahirap na.Tapos nag-hand sign ulit ako yung parang pinatatalikod ko sila. Pero mukhang di ata nila gets kasi nagpatuloy lang sila sa paglalakad.

Naku naman >__<

Todo effort parin ako ng sa ganun maintindihan nila yung ibig kong sabihin. Kaso binigyan lang nila akong nakadrugs-ka-ba look. Bugbog, gusto niyo?! Sapakin ko kayong tatlo diyan eh! -____-

Kaya ayun! Lumakad nalang ako palapit sa kanila. Kaso di pa nga ako nakakalayo eh nasadsad nako. Dahil siguro dun sa malaking ugat ng puno na nadaanan ko. T__T

Epic fail. =____=

Kumaripas naman ng takbo yung tatlo. Napasigaw pa nga sina Leila at Maura eh. Si Rhianne naman napatakip ng bibig.

“Jinesse! Okay ka lang?!” Tinulungan ako ni Maura sa pagtayo.

We Hate PROPELLERS!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon