(Leila’s POV)
Nakaikot na silang tatlo sakin ngayon habang hinihintay yung sasabihin ko. I don’t want to tell them kasi nga naiinis lang ako pag naalala ko yun.
“EHEM!” –silang tatlo
“Magkwekwento ka ba o hindi?” Tong si Jinesse kahit kailan ang apurado!
“Eto na nga. Sasabihin ko na.”
“Good.” Napatingin ako kay Maura. Inirapan ko lang siya. Epal eh!
“Diba nagtext ako sa inyo na may pupuntahan ako?” panimula ko. Tumango naman sila pagkatapos.
“Nagkaramble kasi dun sa store na binilhan ko ng damit. I think, gang fight yung nangyari. Buti nalang hindi ako nasaktan.” Dagdag ko. Pero tiningnan lang nila ako ng may halong pagtataka. Alam na talaga ng mga to kung nagsisinungaling ako o hindi. Kung nangtritrip na naman ako sa kanila o hindi. Natatawa tuloy ako sa reaksyon ng mga mukha nila ngayon.
“Hindi kayo naniniwala?” tanong ko sa kanila.
“HINDI.” Sabay nilang sabi.
Wala na. Natawa na talaga ako. Lakas lang ng trip eh! Sayang at hindi ko sila naconvince dun sa sinabi ko. HAHA.
“Kung niloloko mo lang kami, more effort naman Leila!” sabi ni Maura.
“Alam mo, dadating talaga yung panahon na wala ng maniniwala sayo.” Hala. Seryusuhan nato ah. Sorry Rhianne.>_<
“Kaya sabihin mo na habang maaga pa.” pagbabanta sakin ni Jinesse.
“Ano ba kasing nangyari?!” -Maura
“Nakakabuwiset lang kasi pagnaiisip ko yun!” sigaw ko.
“Propeller na naman, ano?” natatawang sabi ni Jinesse. Di ako nakapagsalita.
“Sinasabi ko na nga ba eh.” Dagdag pa niya.
“May karamay din pala ako! Hahaha.” Inirapan ko lang si Maura. Kainis lang. Ang lakas mang-asar.
BINABASA MO ANG
We Hate PROPELLERS!!!
RomanceAno kayang mangyayari sa buhay ng ating mga bida kung makasagupa sila ng mga PROPELLERS? Magkakagulo ba o magpapatangay na lang sila? READ niyo na lang po para masaya. ^__^ THANKS !