(Jinesse's POV)
Hahay! BUHAAY!!! Parang LIFE!!
Hano raw? Pabayaan niyo na, baliw eh. =___=
Hay! Naaalala ko na naman yung nangyari kanina. Kainis!!! Ba't ba kasi umepal yung mokong nayun, nasira tuloy araw ko!
Makatulog na nga. Huwag na huwag siyang magkakamaling umepal pati sa panaginip ko! Kundi dadanak talaga ng dugo! Magkakagulo talaga sa DreamLand!!!! =___=
-----
Tuesday...
Discussions na naman kaya nagta-take down notes kami ngayon. Palapit na kasi yung prelims kaya hinahabol namin yung mga lessons.
Matapos ang mahigit apat na oras, natapos din! Kakapagod pala magsulat! Nakakangawit sa kamay!
Pumunta nako agad sa canteen. Naghihintay na kasi yung tatlo dun. Pagkarating ko dun, umupo agad ako sa tabi ni Rhianne at nagsimula na kaming kumain. Nakakagutom na eh. ^__^
Napansin ko, kanina pa maingay dito sa canteen ah! Ano bang meron? Pagtingin ko sa paligid, wow naman, kaya naman pala maingay, andito na naman pala yung Kevin ata yun. Dagdag pa yung dalawang kasama niya, di ko kilala kung sino. Teka, apat pala silang nandun! Haha. Di na ata ako marunong magbilang ah!!
HALOS mabilaukan naman ako nung nakita ko si Paul dun kasama yung Kevin. Tumingin siya sa direksyon ko at.... at....INIRAPAN AKO?!! Sapak, gusto niya?! KAPAL talaga. Pag-ako nakalapit sa kanya, mawawala talaga yung mata niya! Kainis. >___<
Okay. Relax Jinesse, RELAAAAX. wag mo na siyang pansin, maha-highblood ka lang. Nagsimula na lang ulit akong kumain. Kailangan ko ng energy para mamamaya. Pupunta na naman akong garden para maglinis.
(Paul's POV)
Naglalakad ako sa hallway ng may umakbay sakin mula sa likod.
"Bro! Long time no see!"
"WHAT THE?!!!" HALOS lumuwa yung mata ko sa gulat! Sino ba kasi 'tong umakbay sakin?!! Paglingon ko, si Kevin.
"Woah! Chill Bro. Chiiiiill." Natatawa niyang sabi. CHILL?! The heck! Di parin talaga nagbabago tong playboy nato.
" ................."
BINABASA MO ANG
We Hate PROPELLERS!!!
RomanceAno kayang mangyayari sa buhay ng ating mga bida kung makasagupa sila ng mga PROPELLERS? Magkakagulo ba o magpapatangay na lang sila? READ niyo na lang po para masaya. ^__^ THANKS !