Chapter 18. I'm his bestfriend!

55 0 0
                                    

(Jinesse's POV)

Kanina pako nakatutok dito sa paper bag na nasa harap ko. Kahit anong analisa ko sigurado talaga akong hindi to yung damit na binigay ko sa kanya. Tingnan mo naman oh? Mukhang bago tsaka hindi pa nabubuksan. Ano yun, nilagay niya lang dito yung damit tapos ipinabalot? Eh mukhang mas mahal pa ata yung ipinambalot kesa sa damit eh.

"Hoy Jinesse! Bumaba ka na nga dito!! Malalate tayo niyan eh!" may megaphone ata sa bibig ni Leila eh, kung makasigaw lang. Tsk.

Kinuha ko na lang yung paperbag tsaka nilagay ko sa bag. Isasauli ko nalang baka kasi nagkamali lang ng bigay. Ilang araw na kasi tong nasa sakin.

----

"Musta exams?" pagtingin ko, si Michael pala.

"Okay lang. Nasagutan naman kahit mahirap." papunta kaming canteen ngayon. Sa wakas! Natapos narin yung exams! ^_^

"That's good."

"Siguro sayo madali lang no?" ang talino kasi ng isang to eh. Kahit nung elementary pa kami matalino na. Kaya nga naging President siya nun eh.

"Hoy!!" wala ba daw sagot? Hangin ata yung kinakausap ko eh.

Ay? Nginitian lang ako? Nakuuu.

"Jinesse! Ditooo!!" napalingon kami dun sa tumawag. Si Maura pala, pinalalapit kami dun sa table nila. Andun din si Rhianne tsaka si Leila. Umorder na muna kami ni Michael. Kakalula kasi yung mga sinagutan namin kanina.

"Girl, tingnan mo oh? Picture ni Kevin my loves! Kyaaaahh! Ang hot niya!!" -girls at the back

Tapos sabay na tumili. WOW! Kung makaangkin lang?

"Ano sayo?"

"Ah eh. ano. Sandwich tsaka softdrink."

"Yun lang? Baka di ka mabusog niyan. "

"Ha? Ah eh. Okay na yan."

Di niya ko pinansin. Umorder lang siya. Nu ba naman, pwede naman sanang ako na yung umorder diba? Kakahiya naman sa kanya, nag-abala pa talaga. Pwede na talagang pang boyfriend-material, bait kasi eh! >.<

We Hate PROPELLERS!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon