(Jinesse's POV)
Monday...
Waaaaahh! Andito ako ngayon sa garden. Alam niyo na kung anong ginagawa ko.
NAGBUBUNOT NG PATAY NA HALAMAN. TT________________TT
Buti nalang may Gloves.
Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero kasi, hindi pako nakakagawa ng report ko. Nakatulog kasi ako kagabi. Naman eh! Bakit ba kasi ang mantika kung matulog! >___<
Tsaka sa ganito pa talagang tanghaling tapat! Huhu. Mukhang masakit yung sikat ng araw.
Binilisan ko nalang yung paglilinis at nang makapagtanghalian narin.
Sabay nga pala kami nina Rhianne kakain ngayon. Makakasama ko na naman yung mga lukaret kung bestfriends. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.
Lingon
Lingon
Baka may makakita sakin, sabihin pa nila nababaliw nako. Ano yun, iiyak tapos ngayon ngingiti-ngiti? May topak lang?
ARRGGGGHHH!!!! Ano ba naman Jinesse! Ang bibig, itikom na! Faster! Ng matapos nato! >__<
----
Lunchtime...
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Kanina pa kami tawa ng tawa dito sa may canteen. Ito kasing si Maura kung ano-anung sinasabi! Kinikwento niya sakin yung mga panahon na bata pa siya. Yung mga kabulastugan niya kuno. Sira talaga. XD
"Kumain na nga kayong dalawa diyan." pagsasaway samin ni Leila. Ito talagang si Leila, minsan ang seryoso. Sus! Alam naman namin na natatawa din, pinipigilan nga lang. HAHA.
Teka, kanina pa tahimik tong si Rhianne ah. Alam ko naman na tahimik talaga siyang tao pero, pagdating samin nagiging madaldal to eh. May nangyari kaya?
"Oi! Napano ka?" tanong ko sa kanya.
"Wala. "
"KYAAAAAAHHHHHH!! Kyaaaahhh!!" girls screaming at the back.
Ok, sila na ang maingay sa likod! Hindi naman masyadong halata eh no na ang ingay nila. Infairness, halos hindi ko na narinig yung sinabi ni Rhianne. =__=
"Ang iingay naman ng mga babaeng yan!" sigaw ni Leila. Pero kahit na ilang reklamo pa yung sabihin namin di talaga madidinig dahil sa sobrang ingay.
BINABASA MO ANG
We Hate PROPELLERS!!!
RomanceAno kayang mangyayari sa buhay ng ating mga bida kung makasagupa sila ng mga PROPELLERS? Magkakagulo ba o magpapatangay na lang sila? READ niyo na lang po para masaya. ^__^ THANKS !