Minsan

96 1 0
                                    

Minsan mo nang pinaramdam na mahalaga ko sayo
Minsan mo na rin sinabi na gusto mo ako
Pero sinabi mo na imposibleng maging tayo, dahil sa mga salitang "ayaw ko pa."
Naiintindihan kita, dahil alam kong takot kang pumasok muli sa panibagong relasyon dahil sa sugat ng nakaraan mo.
Andito ka parin at di ako iniwan
upang ako'y pakinggan
Itinuring mo akong espesyal na tao sa buhay mo
Kaya't marami ang nagtatanong.... kung tayo na ba
Akala nila' y may namamagitan saatin
Kahit ang katotohanan ay magkaibigan lang talaga tayo
Oo kaibigan mo lang ako
Kahit masakit ay tatanggapin ko
Tatanggapin ko na hanggang dito nalang ako
Hindi ko na hahanapin ang lugar ko sa puso mo
Hindi ko na tatanungin kung ano nga ba ang meron tayo
Kung mamahalin mo rin ba ako gaya ng pagmamahal ko sayo
Kung ang mga salitang ikaw at ako ay makakabuo ng tayo.
Ikaw na ba ang sagot sa mga hinihiling?
At sa mga pangakong diringgin?
O mananatiling isang magandang panaginip
Na patuloy na papangarapin
O isa ka rin sa mga taong ipinagtagpo saakin
Na imposibleng maging akin?
Ngunit ikaw na rin ang nagsabi na si tadhana na ang bahala saatin.

Pinili ko ang mahalin ka, dahil alam kong doon ako sasaya
Pero ang kasiyahang iyon ay may kapalit na kalungkutan
Hindi ko namamalayan na ako pala ay nasasaktan
Dahil wala naman akong karapatan sayo
Dahil wala namang tayo
Pilit ko mang iwasan ay di ko magawa
Dahil ang tunay na nagmamahal ay handang masaktan
Oo handa akong masaktan dahil ganun kita kamahal.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon