Bakit Hindi Nalang Ako

60 0 0
                                    

Bakit siya pa ang pinili mo?
Kung nandito naman ako patuloy na nagmamahal sayo
Bakit mas mahalaga sa pa siya sayo?
Kung nandito naman ako pinahahalagahan ka ng totoo

Bakit siya pa ang kailangan mo?
Kung nandito naman ako sa tuwing kailangan mo ako
Bakit siya pa ang nasa puso mo?
Kung nandito ka naman sa puso ko

Bakit siya pa ang gustong makasama mo?
Kung nandito naman ako lagi sa tabi mo
Bakit siya pa ang nagpapasaya sayo?
Kung nandito naman ako na patuloy na pinapasaya mo

Bakit siya pa, kung nandito naman ako?
Bakit hindi mo makita ang pagmamahal ko?
Bakit lagi mo nalang binabalewala ito?
Bakit kasi hindi nalang ako?

Ako na walang hinangad kundi ang mahalin mo
Ako na na walang hinangad kundi ang pahalagahan mo
Ako na walang hinangad kundi ang mapasaiyo
At ako na walang hinangad kundi ang maging siya na mahal mo.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon