Taga-Hanga Mo

17 0 0
                                    

Hindi ka naman alak na ininom ko
Para tamaan ako ng ganito
Hindi ka naman bato
Para ako'y madapa at mahulog sayo.

Hindi ka naman droga
Para mawala ako sa sarili ko
Pagka ikaw ay nandiyan sa harap ko.
Dahil ikaw ay isang tao.

Isang tao na walang ibang ginawa kundi ang pangitiin ako,
Isang tao na pinapangarap ko,
Isang tao na gusto ko,
Isang tao na wala akong ibang hinangad kundi ang mapasaiyo.

Pero hindi ko alam kung paano
Paano matutupad ang hiling ko,
Dahil sino nga ba naman ako?
Isa lang naman akong taga hanga mo.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon