Lihim na Pagtingin

105 0 0
                                    

Ilang buwan o taon
Na akong may tinatago
Na kay hirap aminin
Dahil hindi ko alam kung paano sasabihin.

Sa tuwing nakikita ka
Ay saya ang aking nadarama
Pag palapit kana
Ay ako'y kinakabahan bigla.

Ayokong lapitan ka
Dahil ako'y nahihiya
Gusto man kitang kausapin
Ay hindi ko magawa.

Para kang butuin
na kay hirap abutin
Ang hirap pala magmahal ng palihim.

Sana balang araw ay masabi ko na
"Ang dati kong pangarap ay katotohanan na."

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon