Isang Maulang Gabi

51 0 0
                                    


Isang maulang gabi tayo'y pinagtagpo
Tinignan mo ako sa mga mata, at ako'y nginitian mo.
Tinabihan mo ako sa buong gabing magkasama tayo
At tila ayaw ko nang mawalay sayo.

Isang maulang gabi na hinawakan mo ang kamay ko
At hiniga ang iyong ulo sa balikat ko
Nilagay mo ang palad ko sa pisngi mo at unti unting nilagay sa labi mo.
Nilapit mo ang iyong mukha at ako'y kinantahan mo.

Isang maulang gabi at pauwi na tayo
Hawak mo ang payong mo
Habang ako'y nasa bisig mo
At tila tayong dalawa lang ang nasa mundong ginagalawan ko.

Isang maulang gabi na ayaw kong matapos
Isang maulang gabi na tila para kong nakagapos
Isang maulang gabi na puno ng kasiyahan
Isang maulang gabi na hindi ko makakalimutan.

Isang maulang gabi na napuno ng pagmamahal ang puso ko
Isang maulang gabi na ako ay nagpaalam na sayo
Dahil lumalalim na ang gabi at kailangan ko nang umuwi.
At dito nagtapos ang isang maulang gabi na naging tayo kahit sandali.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon