Ngiti

52 0 0
                                    


Siya ay nakangiti
Pero sa ngiting iyon ay may tinatagong hapdi
Hapding hindi na mapapawi
Pilit siyang ngumingiti
Kahit na ang puso niya ay palaging sawi.

Sa tuwing siya ay ngumingiti
Nakikita sa kanyang mga mata
Na may luhang nakakubli.
Sa bawat pagtawa niya
Ay may pait na pilit tinatago.

Sinasabi niya sa kanyang sarili
Na wala nang siyang dahilan para maging masaya.
Nanahimik siya sa isang tabi
Para hindi nila mapansin
Na may dinadalang siyang pasakit.

Pero napagtunton niya na hindi lang pala "siya"
Ang may kakayahan na pasayahin ang
Puso niyang sawi
Andiyan ang kanyang mga kaibigan
Na handang tulungan siya
Na maging masaya muli.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon