Ipaglalaban o Susukuan?

118 1 0
                                    

Dapat pa bang ipaglaban
Ang aking nararamdaman?
Ipinaglaban kita kahit na ang halaga ko'y di mo na makita
Pinahalagahan mo ako noon
Ngunit hindi na ngayon
Pilit ko parin binabalikan ang mga panahon nating dalawa
Kahit na ngayo'y ako'y nag iisa na
Mag isang umaasa sa mga bagay na wala na
Wala na palang tayo
Teka? wala namang tayo
Ikaw at ako lang
Ikaw at ako na bumuo ng sarili nating istorya
Istoryang sa umpisa tayo ay masaya
Ngunit sa dulo'y ako'y nasasaktan na
Binalikan ko ang ating istorya
At napangiti ako mag isa
Habang binabalikan ang alaala nating dalawa
Dapat ka na bang sukuan?
Susukuan na kita di dahil pagod nako
Kundi dahil ayoko nang magmukhang tanga sa harap mo
Tao ako at hindi aso para habulin ang isang gaya mo
Gaya mong binalewala ako
Binalewala ang nararamdaman ko
Binalewala ang mga ginawa ko para sayo
Kaya't siguro hanggang dito nalang ako
At hindi na muling aasa sayo.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon