Iniwan, Ngunit Babalikan

44 0 0
                                    

Ilang taon na ba ang lumipas simula nung ako'y iyong iniwan
Ilang taon na ba ako binabalot ng kalungkutan
Ilang taon na ba ako nagpumilit na maging masaya
Ilang taon pa ba para tanggapin ko na wala na tayong pag asa

Ilang taon pa ba? Isa, dalawa, tatlo?
Pero bakit andito pa rin ako
Naghihintay na mapasaiyo
Naghihintay na mapasaakin ang puso mo

Mahal, pinanghahawakan ko pa din ang pangako mo
Kaya't eto ako pilit bumabalik sayo
Pero sana'y tanggapin mo pa din ako
Dahil ilang beses ko nang sinaktan yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako

Iniwan moko dahil napagod ako kakaintindi sayo
Pero andito na muli ako
Para mahalin ka at buuin ang pangarap nating dalawa
Iniwanan man kita noon ngunit babalik din ako sa tamang panahon

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon