Bagyo

268 0 0
                                    

Isa kang bagyo
Na biglang pumasok sa buhay ko
Isa kang bagyo
Na naminsala ng nanahimik kong puso
Isa kang bagyo
Dahil hindi mo alam kung saan ka patungo
Isa kang bagyo
Na hindi mawari kung patuloy pa ba ang pagbuhos o tuluyan nang hihinto.

Isa kang bagyo
Dahil sa lakas ng hangin mo
Isa kang bagyo
Dahil sa bawat pag ihip mo
Ay kasama ako
Dahil sa humpay ng hangin mo
Ay palapit ba ako o palayo na sayo

Isa kang malakas na bagyo
Dahil nag iwan ka pa ng bakas dito
Bakas ng nakaraan mo
Bakas na hindi na mawawala dito sa puso ko.

Isa kang bagyo
Dahil puro pasakit lang ang pinaramdam mo
Isa kang bagyo
Dahil ikaw ay pabago bago
Yung tipong hindi marunong makuntento.

Isa kang bagyo
Na hindi ko na hahayaang pasukin ang mundo ko
Dahil baha na dito
Baha na sa bawat pagbuhos mo, kasabay nito ang pagluha ko
Noong ako'y iniwan mo.


Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon