Saaking Mata

21 0 0
                                    

Makikita mo saaking mga mata
Ang labis kong pagsinta
Makikita mo sa aking mga mata
Na ikaw lang saakin ay sapat na

Makikita mo saaking mga mata
Ang kislap sa tuwing ika'y aking nakikita
Makikita mo saaking mga mata
Na wala akong hinangad kundi ang maging akin ka

Kaya't tumingin ka saaking mga mata
At ipagtatapat ko na ang aking nadarama
Tumingin ka sa aking mga mata
At sasabihin ko nang mahal kita

Mahal kita, gusto kita, sana akin ka
At sana iyong makita
Na yan ang salitang nais iparating ng aking mga mata
Para sa iyo aking sinta.


Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon