Ang Huling Tula na Isusulat Para Sayo

36 0 0
                                    

Ang Huling Tula Na Isusulat Ko Para Sayo
By: Abi Bea

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo
Kahit masakit ay gagawin ko
Wala na ang mga panghuhugutan ko
Dahil wala ka na sa piling ko.

Ito na ang huling tula na isususlat ko para sayo
Dahil pagod nako,
Umasa sa mga sinabi ko
Sa mga tula na ginawa ko para sayo

Ito na ang huling tula na isususulat ko para sayo
Dahil naghihintay lang ako
Sa isang manhid na gaya mo
Na binalewala lang ako

Ito na ang huling tula na isususulat ko para sayo
Dahil ang mga pangarap ko
Ay biglang naglaho
Sa biglang paglisan mo

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo
Dahil wala na ako sa buhay mo
Ang mga pangako mo ay unti unting napako
Dahil iba na ang mahal mo.

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo
Dahil gusto ko na mawala ang sakit na nararamdaman ko.
Ito na ang huling tula, para ako'y magpasalamat sayo
Dahil sa saglit na panahon ay nakilala ko ang isang tulad mo.

Ito na ang huling tula na isususulat ko para sayo
Ito na ang huling tula na gagawin ko
Para sa mga masasakit na alaala na pinaranas mo
Dahil gagawa na ako ng bagong tula para sa panibagong yugto ng buhay ko.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon