Gusto Kita, Gusto Mo Ako Pero

85 0 0
                                    

Ilang beses ko nang pinaramdam na mahalaga ka sa buhay ko.
Sa tuwing tayo'y magkasama ay saya ang aking nadarama
Sa tuwing nandiyan ka
Ay ramdam kong di ako nag iisa.

habang tayo'y magkatabi
Ay hindi ako mapakali
Naghalo halo na ang saya at ang kaba.

Ito na ba ang umpisa?
Ako ba'y nahuhulog na?
Hindi mo ba napapansin?
Na ako sayo'y may pagtingin?

Gusto kita, gusto mo ako pero
Sabi nila mag aral muna tayo dahil
Marami pa tayong inaasikaso

Gusto kita, gusto mo ako pero di pa pwedeng maging tayo

Hihintayin kita hanggang sa handa ka nang sagutin ako ng oo
Yan lang naman ang pinakahihintay ko
Na marinig mula sayo

Hihintayin ko ang tamang panahon at pagkakataon
Para aminin sayo na
Ang tanging hiling ko lang ay
Sana tayo nalang
Sana tayo hanggang dulo.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon