Sana Ako Nalang Siya

260 0 0
                                    

Sana ako nalang siya
Na mahal mo ng sobra
Sana ako nalang siya
Na walang ibang ginawa kundi ang pasayahin ka.

Sa una palang siya na ang nasa puso mo
Sino nga ba naman ako?
Pangalawa lang sayo.

Lalayo nako
Dahil pagod nakong umasa sayo.
Mas mabuti nang mahulog sa balong malalim
Dahil doon ay may sasagip saakin
Hindi tulad noong nahulog ako sayo
Hindi mo man lang ako sinalo.

Kahit hindi ka niya pansinin
Ay minamahal mo pa rin
Ang gusto ko lang ay makita kang masaya
At handa nakong magparaya.

Sana ang salitang pangalawa
Ay mapalitan ng una
Sana ang salitang sana ako nalang siya
Ay mapalitan ng siya na nga wala ng iba.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon