Sa Pagitan ng Ikaw at Ako

86 0 0
                                    

Sa pagitan ng ikaw at ako
Ay naramdaman ko ang pagsusmamo mo
Sa pagitan ng ikaw at ako
Ay nagumpisa ang mga imahinasyon ko

Sa pagitan ng ikaw at ako
Ay naging masaya dahil naging parte ka ng buhay ko
Sa pagitan ng ikaw at ako
Ay naranasan kong umasa sayo
Sa pagitan ng ikaw at ako
Ay naranasan kong magpakatanga sayo.

Pero sa pagitan ng ikaw at ako
Ay hinanap ko ang salitang tayo
Pinaniwala ko ang sarili ko
Na ang salitang ikaw at ako
Ay makakabuo ng tayo

Nagbigay ka ng motibo
Umasa naman ako
Na baka sakali
Na may pag asa na maging tayo.

Ngunit ako'y nabigo
At unti unti nang sumuko
Dahil napagod nako
Kakahanap ng salitang tayo.

Wala mang tayo
Ay mayroong ikaw na handang pasayahin ako
Wala mang tayo
Ay mayroong ako na handang maging sandalan mo.

Sa kabila ng walang tayo
Ay mayroong ikaw at ako
Na naging parte ng kwentong ito.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon